Lunes, Oktubre 10, 2011

SURE DAW ANG FUTURE!


SURE DAW AKONG FUTURE DIRI!
ni: Johannah B. Galacio


“Dili ko muskwela dira ma uii. Kalayo ra ah! Unya, di pa baya ko kabalo manglaba ug magluto. Nah! Unsaon nalang ni nako. Basig magutman ko didto ma ba..nindot man daw na dira nga skwelahan ma nuh? Kay sure jud daw imong future dira kung dira ka mu-graduate..pero akong gikabalak-an lang man ma ky di ko kabalo manglaba ug magluto. Unya, gastador baya ko ma..unya daghan pud nag-ingon ma nga mga terror daw ang mga professors dira ma. Hadluka pud ana ma ui..”ang sabi ko noon.

“A world class institution of higher learning renowned for its excellence in Science and Technology and for its commitment to the holistic development of the individual and society…” itoang misyon ng isang institusyon na hindi gaanong popular sa pandinig ng ibang tao. Ngunit isa ito sa mga napakakalidad na unibersidad ditto sa Pilipinas. Mindanao State University- Iligan Institute of Technology (MSU-IIT), ito ang pangalan ng paaralan ko ngayon. Isang unibersidad na makakaengganyo sa’yo na mag-aral ng husto. Hindi dahil nakaka-pressure ang mga subject o mga guro. Kung hindi ay mapapagtanto mo kung ano talaga ang pinunta mo sa institusyong ito. Minsan nga, nakakatawang isipin na kung bakit ako napadpad sa institusyong ito. Dahil ang unang impresyon ko sa IIT ay malayo, sa tingin ko ay hindi ko kayang mabuhay na wala ang aking mga magulang at parang hindi pa ako handa sa aking buhay bilang isang estudyante sa kolehiyo. Ngunit hindi talaga magsisisi ang isang “graduating student” sa high school kung ang pipiliin nila ay ang MSU-IIT. Dahil hindi lang pang akademiko na aspeto ang inaatupag ng MSU-IIT. Kung hindi, sa pang sosyal din. Maraming organisasyon ang MSU-IIT na sinasakop ang iba’tibang talento o pinag halo-halong talent ng isang tao. Kaya pwede kang mamiling gusto mo para mas maensayo ang ibinigay na talent ng Diyos sa’yo. JMaraming nagsasabi na hindi ka makakaramdam ng kasiyahan ng iyong buhay pagdating sa kolehiyo. Pero, hindi ako sumasang-ayon sa sinasabi nilang iyon. Dahil ang MSU-IIT ay hindi nagbiigay ng dahilan na hindi ka magiging masaya sa pag-aaral mo. Binibigyan ka nila ng kasiyahan sa kabila ng iyong kahirapan sa’yong pag-aaral. hahaha.  Ngunit hindi naman talaga sa lahat ng panahon ay puro nalang kasiyahan ang dapat mong malasap ,dapat ay bigyan natin ng kulay ang buhay natin. Dahil hindi talaga natin makukuha ang ating kagustuhan o mga pangarap kung hindi natin bibigyan ng effort ang bawat Gawain natin. Kung sa pang akademiko naman na aspeto ang ating pag-uusapan, nangunguna rin ang IIT diyan. Dahil hinahasa ng maayos ng mga instruktor ang mga estudyanteng may potensyal at matalinosa iba’tibang subject para mas madagdagan pa ang kanilang mga nalalaman tungkol sa kanilang field. Ang nakaka-amaze sa mga ito ay ipinapambato talaga sila sa pang world class na mga contests. Talagang amazing! Wow! Hindi naman pahuhuli ang mga organisasyong pang madla kung baga. Dahil ang talent nila ay pang world class din. Mapapabilib ka talaga sa mga talent nila—mapasayaw, kanta, teatro atbp. Ang ganda-ganda talaga. Hindi ka talaga magsisisi kungdito ka sa MSU-IIT mag-aaral ng kolehiyo. Hindi mo man makakasama ang pamilya mo sa araw-araw, ngunit binibigyan ka nila ng pag-aaruga bilang isang pamilya.
Kung tungkol naman sa mga kurso ang pag-uusapan, ay IIT ang number 1 diyan. Napakaraming kurso ang pwede mong pagpilian. May mga social sciences sa CASS (College of Arts and Social Sciences). May mga business courses sa CBAA (College of Business Administration and Accountancy). Kung pang computer naman ang gusto mo ay may SCS (School of Computer Studies) ang sagot diyan. Kung ang pagiging guro ang gusto mong propesyon ay nandiyan ang CED (College of Education).Inhinyero naman ang pinapangarap mo, COE (College of Engineering). May mga kurso rin na engineering na 2-3yrs. lng—SET(School of Engineering Technology).‘Pagangpagigingmathematician, statistician, biologist atbp. na may kinalaman sa Matematika at Siyensya ay CSM (College of Science and Mathematics) ang sagot dyan. Kung ang nursing naman ang gusto ninyo ay andyan parin ang CON (College of Nursing). Kaya kahit anong klaseng kurso ang gustuhin ninyo ay nandito talaga sa IIT. Nagbibigay talaga dito ng kalidad na mga pagtatalakay, pagtuturo at mga aralin. Hinding-hindi ka magsisisi kung ditto ka mag-aaral dahil bawat istudyante ng IIT ay may kalidad na nalalaman sa bawat kurso na kinukuha nila. Ang nakakamangha pa dito ay kasali sa Top 5 ang IIT sa board exam result sa Nursing. At noon ay nag Top 1 ang engineering sa resulta sa board exam at magpa hanggang ngayon. At nag pro-produce ang IIT ng mga kalidad na mga guro. Kaya hindi talaga masasayang ang matrikula na ibinabayad mo per-sem. Napakasulit. Napakalidad. Napaka-amazing. Kasali din ang IIT sa Top 5 na outstanding school sa Pilipinas. Kung ako pa sa inyo ay sa IIT na kayo.
            Kung ang pag-uusapan naman ay tungkol sa environment ng IIT ay maganda rin ito. Pag pasok palang ay bubungad na sa inyo ang mapag ngiti na mga gwardya na talagang iinspeksyunin talaga ang inyong bag para talagang siguradong safe ang ating pag-skwela. At sa loob naman ay makikita mo ang dalawang ATM machines para hindi na hassle sa mga mag-aaral na pumunta na sa siyudad at mg withdraw ng salapi. At may DUNKIN’ DONUT pa sa loob ng paaralan. Oh diba? Ang ganda!. Haha. Ngunit kailangan lang talaga ng sumunod sa mga patakaran ang mga istudyante sa IIT atbp. Sa loob ng paaralan. Kailangan sa pagtawid sa daan ay talaga dapat na gamitin ang pedestrian lane. Dahil pag hindi ka gumamit nito ay talagang tigok ka sa mga security guards, pero, hindi naman nakakaapekto ang pedestrian lane sa pag-aaral ng mga taga-IIT. J May naglalakihang tatlongorasan naman ang bubungad sa inyo sa pagpasok na at nag sisilbing oras ng lahat. Kung paligid lang naman ang pag-uusapan ay talagang napakaraming magandang tanawin dito sa IIT. Kaya kung interesado ka talaga dito sa IIT ay dito kana mag-aral. At kaunting patnubay lang sa mga kalalakihan, maraming magaganda dito sa IIT. At sa mga kababihan ay, maraming nag gwa-gwapuhan dito sa IIT. Kaya sa’n ka pa? Dito na!.sa murang matrikula ay sigurado na ang kinabukasan mo. KAYA SA MSU-IIT NA!!. J

Ang sabi ko ngayon “ma, nindot jud diay diri sa IIT. The best jud!.”  J

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento