Linggo, Oktubre 9, 2011

Jose Lovie Canlom


                          Ang Daan Tungo Sa Mabuting Landas
      Nais mo bang mag-aral sa isang  “top-ranking” na kolejiyo at wla kang pera?Nandito na ang hinahanap sa Iligan City. Ito ay ang MSU-IIT o ang Mindanao State University- Iligan Institute of Technology.Ang MSU-IIT ay kabilang sa sa mga prestiheyosong paaralan dito sa Pilipinas humahanay ito sa DLSU,ADMU at UP. Marami  pang nakuhanhg parangal ang MSU-IIT isa sa mga ito ay ang Center of Exellence . Ang institusyong ito ay may pitong Colleges, ito ay ang mga College of Science and Mathematics, College of Nursing, School of Computer Studies, School of Engineering Technology, College of Engineering, College of Arts and Social Sciences at ang College of Education. Ang MSU-IIT ay pang apat sa lahat ng kolehito sa buong bansa base sa isang survey. Sabi ng iba ay mahirap daw ang magin estudyante ng MSU-IIT totoo ito dahil standard na kanilang pinangangalagaan pero para sa akin ay nasa estudyante lang iyon. Ang MSU-IIT ay may WiFi na lugar kung saan magagamit kung meron kang laptop o ano mang gadget na makakapag-internet. Meron din ditong mga Science Laboratories na credited sa DOST o Department of Science and Technology at alam nyo ba na maraming magagaling na estudyante na nag-eekspiremento dito. Kung gusto mo namang sumali sa mga Student Organization  ay meron ditong KASAMA at SILAHIS. Kung nais mo namang sumayaw ay meron din ditong IPAG,KALIMULAN,CHEER SQUAD at iba pa. Ang MSU-IIT ay hindi gaanong kalaki kaysa ibang unibersidad pero nakakasigurado kang ang edukasyon at ang layunin ng paaralang ito ay hindi matutumbasan ng ibang unibersidad at edukasyon ang bida rito. Marami ding awtoridad na nakabantay sa panahon ng may hindi pagkakaunawaan at makikita natin sila sa ibat-ibang lugar sa paaralan. May klinika din dito kung saan ay libre kung magpa-konsulta at alalay sayo. Kung gusto mo naman nang libangan ay meron ditong Lawn Tennis Court, Basketball Court, Valleyball Court at korte ng Sepak Takraw. Masasabi namin na madaling kausapin ang mga guro dito at ang MSU-IIT ay nagbibigay ng libreng tutor sa mga sabdyek. Kung ikaw naman ay malayo sa Iligan City ay meron din ditong maraming Boarding House,  Apartment at Dorms na malapit lang sa MSU-IIT. May grupo ang mga ito ang tinatawag na HOMES at kontrolado ng DSA. Pinapahalagahan ng MSU-IIT ang kalikasan meron ditong maraming puno at kawiliwili ito upang mag-aral ng mabuti para sa mga estudyante.Pinapahalagahan din ng MSU-IIT ang segregation ng mga basura. Ang MSU-IIT ay nag-bibigay ng entrance exam o ang tinatawag na SASE ito ay isang exam na ginawa ng MSU-SYSTEM upang malaman kung saan sila nababagay na kurso at kung saan sila mag-enroll dahil may maraming paaralan ang MSU-SYSTEM.At kabilang ang IIT sa mga extension ng MSU-SYSTEM. Sa pagkuha ng exam ay kailang mo talagang pagbutihan dahil nakasalalay dito kung anong kurso ang iyong kukunin. Sa lahat ng campus ng MSU-SYSTEM tanging ang ang IIT lang ang nagrerekomenda ng dekalidad Engineering Technology ito ay maituturing na kakaibang kurso dahil maraming mapupuntahan nito. Sa IIT kung hindi ganoon kalalim ang iyong bulsa ay pwede ka paring mag enroll dahil nasa 3,500 Php – 10,000 Php sa ang tuition sa isang semester kung wla kanaman talagang pera ay marami din ditong binibigay na scholarship program. Kahit sa ganyang halaga ay makakasisiguro ka na hindi mo ito pagsisihan dahil edukasyon na kakaiba at maituturing na maipagmamalaki sa buong mundo. Di lamang sa pag mamayabang ang IIT ay nakakuha na nang ibat ibang parangal mula sa ibang bansa at ang mga guro dito ay nakapag masters o doctorate sa ibang bansa at kalimitay cum laude sa MSU-IIT. Kung namang guro ay hindi nakapagtapos dito ay nakapagtapos naman sa UP at iba pang kolehiyo. Sabi nga sa Vision sa IIT na isang institusyon na maipagmamalaki sa buong mundo at ginagawa rin ito ng mga ibat ibang sangay sa MSU-IIT upang makamit ang VISION at MISSION nito. Ano na ang desisyon moh saan mo ipagkakatiwala ang iyong kinabukasan?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento