Ay!
Ito Na Talaga!
Saan nga ba dapat
mag-aral ng kolehiyo? Anong unibersidad ba ang dapat
pasukan? Anong unibersidad ba ang magpapatunay na
ang bawat isa sa inyo ay may angking
kakayahan at
talino? Anong unibersidad ba na magtataguyod sa magandang kinabukasan?
Anong unibersidad ba na kung saan ay madedevelop ang
inyong kakayahan? Ilan lang yan sa
mga
katanungan ng iba na kung saan ay alam ng karamihan ang sagot. Ang MSU-IIT o
Mindanao
State University – Iligan Institute of Technology ang sagot.
Mahigit na 43 years
nah ang unibersidad na ito nang itinatag noong July 12,1968,
at habang
tumatagal mahigit 12,000 ang mga nag-aaral dito dahil sa mababang tuition fee.
Hindi
lang po ito isang
mumurahin na skwelahan, dahil pang world class ang sistema sa pagtuturo
dito, dahil ang mga professor sa MSU-IIT ay hindi
lang mga ordinaryong guro, kadalasan sa
kanila ay mga dean’s list noong sila pa’y nag-aaral.
Ang mga kagamitan din sa iba’t-ibang
colleges ay kompleto din. May 15 buildings sa loob
ng paaralan o higit pa. May tagalinis din
para mapanatili ang kagandahan ng campus. May mga
gwardya din para mapanatili ang
kaayusan at para organized ang mga studyante.
Maraming nagsasabi na
mahirap daw mag-aral sa paaralang ito, mabuti pa daw
sa iba nalang, ngunit alam mo ba na mas maganda kung
sa MSU-IIT ka mag-aral? Dahil
siguradong magtatagumpay ka sa iyong mga pangarap.
Sabi pa nga nila, maraming
nagpakamatay dahil bagsak sa math, haha! Hindi po iyon
ang tutuo, sa katunayan nga eh mas
maraming nagpupursige at nagpupuyat para makapasa sa
mga subject. Lahat naman talagang
subject eh mahirap, kailangan mo talagang mag-aral
para mapasa mo ang lahat ng ito, parte
yan ng pagiging studyante.
Ang MSU-IIT din ay isa sa
mga university of excellence dito sa Pilipinas. Center
of excellence din ito gaya ng Chemistry, Math,
Biology sa College of Science and
Mathematics at teacher din sa College of Education
at College of Arts and Social Sciences.
Center of development din ito sa Physics sa College
of Science and Mathematics. At sa Ceramics
Engineering, Chemical
Engineering,Civil Engineering, Computer Engineering(Computer
Science and Electrical
Engineering),Electrical Engineering, Electronics and
Communications
Engineering, Mechanical
Engineering,at Metallurgical Engineering sa College of
Engineering.
Hindi lang po sa akademika magaling ang mga studyante at professor sa
MSU-IIT
pati na rin
sa iba gaya ng IPAG (Integrated Performing Art Guild). Nakapag-perform na din
sila
sa iba’t-ibang panig ditto sa Pilipinas at sa ibang
bansa gaya ng United Kingdom, Spain,
Portugal, Belgium at iba pa. May cheerleading squad
din sila. May Octava din na pang world
class din pagdating sa kantahan.
Mataas at dekalidad ang MSU-IIT
pagdating sa akademika at sa iba pa, ngunit
pagdating sa tuition fee, ay! Napakababa lang po.
Tingnan n’yo ‘to:
Engineering, Arts and Social
Sciences, Science and Math, Business and Accountancy, Education, Computer
Studies
|
P 3,500.00
|
Engineering Technology, General
Education
|
P 4,800.00
|
BS Courses in Engineering
Technology
|
P 6,500.00
|
2-yr. ladderized programs in
Engineeering Technology
|
P 7,500.00
|
Nursing
|
P 8,500.00
|
Hotel and Restaurant Management
|
P 9,500.00
|
Foreign Students:
Resident
Non-resident
|
$250.00+tuition & ibang
bayarin
$500.00+tuition & ibang
bayarin
|
Kita ninyo? Ma-aaford nyo lang ‘yan! Mas mababa pa
ang tuition sa MSU-IIT kesa ibang
paaralan. Marami pa kayong matututunan dahil nga eh
pang world class ito. I-view nyo nalang sa
website na ito www.msuiit.edu.ph
para sa ibang impormasyon.
Dito na kayo mag-aral sa
MSU-IIT! Ang motto nga ay “Quality Education for A
Better
Mindanao”. Saan pa kayo? Dito na! Dahil ito na! Itong-ito na!
-- Aileen Christy Tocson --
-- Aileen Christy Tocson --
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento