MSU – IIT
HIHIRAP KA AT SASAYA
Sa mundong ito tayo ay tao
at ang
lahat ay karapatan. Karapatan sa lahat ng bagay at
isa dito ay ang
napaka-importante.At ito
ay ang edukasyon. Sa edukasyon makikita at makukuha mo ang
solusyon sa iyong buhay sa lahat nga bagay bagay. Walang mahirap at mayaman ditto ang
importante ay ikaw. Ikaw na tao na may
paki alam sa mundo. Lahat tayo ay
importante dahil ginawa ka para
may matapos kang misyon na makakabago
sa iba kahit ano at
sa
mundo sana. Isa sa parte ng iyong buhay
na napaka importante ay ang
edukasyon na may solusyon sa iyong misyon.
Lahat tayo ay may
gusto talagang mag – aral
para umasenso at sasaya. Maraming bata, binata at matanda na gusting
makapag-aral pero wala na
wala.
At wala sa
kanila ay iyong pera para sa pag-aaral at ang mga pagkatataon
na makapag aral maski walang
pera. Kung makapag aral ang isang tao,
marami syang alam. Kung marami kang alam, ibabahagi mo ito sa iba a t dadami ang iyong maging kaibigan na tapat sa iyo. Maraming tao o estudyante na maraming alam
pero hindi sila makatapos dahil sa kahirapan! Di ba? Kung mahirap o nahihirap ka dapat
gumawa ka ng paraan kung disidido ka makapagtapos ng pag aaral.
Kung hindi ka mag aaral at hindi ka makatapos parang tapos na rin ang iyong buhay dahil sa kakulangan ng alam. Kaya
magsisikap tayo upang may kaalaman tayo.
Dahil ikaw, ako at tayo ay may determinasyon sa pag-aaral. Ating ibabahagi sa ating kapwa lalo na sa mga mag aaral sa high
school na magsikap sila makapasa
sa pasulit sa MSU
IIT. Dahil dito ang
isang mag aaral ay hindi magkaproblema
sa mga bayarin. Ang maging problema
lamang nila ay papasa sa lahat ng subject.
Ang MSU –IIT ay isang “world class” na unibersidad dahil kung makapagtapos ka dito
nalagpasan mo ang lahat ng hirap na dinaranas. Kaya sisikapin mo na makapasok ka dito sa MSU-IIT upang
makapag-aral at iisipin mo na makapagtapos sa pag
aaral dahil dito dadaan ka sa hirap pero sasaya ka kung makapag tapos ka.
Para sa akin ganyan talaga ang buhay. May darating na hirap bago ang saya.
Meron akong kasabihan “Lahat ng
problema ay may solusyon at kung
walang solusyon ang iyong problema..problema mo na yon..biro
lang”. Sana masayahan
kayo aking sanaysay.
Dito sa MSU-IIT bida ang hirap at saya.
by: Raymond Louise C. Miranda
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento