Ikaw ba ay gra-graduate na sa High School at
wala pang ideya saan mag-eenroll? Ikaw
bay nagtataka kung aling paaralan ang tinutukoy ko? May ideya ka ba kung ano
itong tinutukoy ko? Tama! MSU-IIT nga!
Isang institusyon na nagbubuo sa mga kumpul-kumpul na kultura sa Mindanao. Ang
tinitingalang MSU-IIT, na bumabandera sa larangan nang edukasyon sa buong mundo.
Isa ito sa mga institusyon na matatagpuan sa Iligan City na pinipilahan nang
mga estudyante na may planong mag-aaral at gustong mag-aral sa kolehiyo. Pero
sa intrans eksam pa lang ay pagpapawisan
ka na dahil dito sa eksam na ito sinasala ang yong kagalingan kung hanggang
saan at anong dapat mong kursong paglagyan, sa gusto mo ba o sa hanggang saan
pwede ang resulta nang eksam. Pag ikaw ay nakapasok na wag mo nang sayangin pa
ang pagkakataon na nakapasok dahil marami ang nagbabalak na hindi pinalad na
mapasok. Swerte ko noh! Isa ako sa mga nakapasok. Gayunpaman, hindi ito
basta-bastang institusyon na kaya mo lang sa isang pilantik ng daliri at isang
kurap ng yong mata. Dito mahahasa talaga ang abilidad sa lahat ng larangan ng
gusto mo at hindi mo gustong asignatura. Dito mo mararanasan kung aling college
ang aktibo sa lahat ng okasyon at aling college ang walang pakialam. Bawat
kolehiyo ay may kanya-kanyang pasilidad na aksisibo sa lahat ng estudyante gaya
ng librarya, kapeterya at student lounge. Magiging malawak din ang iyong
pananaw dito hindi lang sa iyong sarili kundi pati na rin sa paligid mo dahil
sa umuulan ng mga magaganda ang naggwa-gwapohang mga lalaki. Hindi ka lang
magiging matalas kundi maiiganyo ka ring maging aktibo sa ibang larangan gaya
nang Kalimulan, Ipag dito mo pwedeng ipakita ang iyong kagalingan sa pagsayaw
sa kahapon. Octava sa pagkanta, Lions cheer dancing, Silahis sa pagsusulat at
iba pa. Dahil nga naipapalabas ang mga kagalingan nang mga estudyanteng nag-aral
sa MSU-IIT hindi lang dahil na gusto nila kundi pati na rin ito sa mga gurong
nanghihikayat, nag-encourage at sumusuporta. Kaya hindi lang pwedeng maging guro
ang mga professor dito kundi pwede rin silang maging sandigan. Alam nyo ba kung
bakit nasabi kong kontrobersyal ang MSU-IIT? Dahil marami man ang negatibong
pangyayari ay may positibo ring kapalit katulad nang maraming gusto at nag
nanais na makapag-aral. Marahil ay marami ang curious kung ano ang meron sa
MSU-IIT na wala sa iba. Bakit ang mga estudyante sa MSU-IIT ay palaging
haggard? Dahil sa ika nga nila pag ikaw ay galing sa MSU-IIT ay malaking advantage
na matatanggap ka agad sa trabahong gusto mo balang araw. Haggard ang mga
estudyante sa MSU-IIT dahil sa palagi silang nagsusunog nang kilay, determinado
silang makapasa at makapagtapus sa kolehiyo kahit gaano man kahirap ito. Kung
ang hanap mo rin isang institusyon na walang unipormi dito kana sa MSU-IIT.
Kaya saan ka pa? MSU-IIT kana! Kung saan ikaw ay titingalain baling araw gaya
ng iyong pipiliing institusyon na hahasain ang iyong kaalaman at ibabahagi ang iyong
abilidad. Kaya wag nang patumpik-tumpik pa MSU-IIT na ang piliin, ito ang tama!
by: Cherry Mae Tiana
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento