Lunes, Oktubre 10, 2011

“Mga de-kalibreng Magtuturo sa dekalidad na Paaralan”



            Mahirap pasukin. Maraming kailangang gawin. Maraming kailangang isakripisyo. Pero sa kabila nito, marami pa ring naeengganyo. Sulit ang lahat ng hirap na pingdaanan. Kapalit dito ang maraming mong matutunan. Dekalidad magturo at mga magtuturo. Samahan pa nang makabagong teknolohiya na mga fasilidad. Ito ang Mindanao State University – Iligan Institute of Technology o mas kilala sa tawag na MSU – IIT. Nasa hilagang bahagi ng Mindanao. Ito ay matatagpuan sa Andres Bonifacio Avenue, Tibanga, Iligan City. Simulang buksan noong ika-12 ng Hulyo 1968. Isang dekalidad na paaralan na may mga de-kalibreng mga magtuturo.
            Noong naghahanap pa ako ng paaralan kung saan ako magkokolehiyo ay hindi kabilang ang MSU-IIT sa aking mga pinagpipilian. Wala akong ibang alam tungkol sa paaralang ito maliban nalang na matatagpuan ito sa syudad ng Iligan.  Hindi kabilang ang MSU – IIT dahil akala ko noon na wala ng mas hihigit pa sa mga naglalakihang mga unibersidad sa Luzon. Noon ‘yon. Ngayon alam na alam ko na kung anong mayroon ang MSU – IIT na wala ang iba pang sikat na mga paaralan. At ito ang mga rason kung bakit nandito rin ako nag-aaral.
            Ito lang ang nag-iisang paaralan sa buong Mindanao na umoofer ng mababang tuition fee kapalit ng ‘di matatawarang pagtuturo at pagbabahagi ng mga impormasyon sa mga mag-aaral. At hindi lang ‘yan. Marami na ring gantimpala at iba’t ibang mga parangal, mapaloob man ng bansa o labas, ang natanggap ng MSU – IIT. Hindi makakamit ang lahat ng ito kung ang faculty, staff at kabilang na ang mga estudyante ay hindi nagtutulungan. Bumilib ako sa “commitment to academic excellence” ng institusyon. Hangang-hanga ako sa dedikasyon ng institusyon na makamit ang layuning ito. At hindi nga sila nabigo. Ang institusyon ay kinikilang ng Commission on Higher Education (CHED) bilang Center of Excellence in Mathematics and Chemistry, Center of Development in Physics and Biology, Center of Development for Excellence in Information and Communication Technology, Center of Development in Ceramics Engineering, Civil Engineering, Electrical Engineering, Electronics and Communications Engineering, Mechanical Engineering, and Material Science Engineering. At ito rin ang Zonal Research Center para sa mga rehiyon ng XII, IX at ARMM. Kilala rin bilang Information and Communication Technology Learning Hub sa Hilagang Mindanao at Virtual Center for Technology Innovation - Microelectronics base sa standard ng Department of Science and Technology (DOST).
            At hindi rin sa pagmamayabang, kadalasan sa guro at mga propesor dito ay galing sa mga kilala at bantog na mga unibersidad, sa loob at labas man ng bansa. Halimbawa rito ay ang ating maipagmamalaking Unibersidad ng Pilipinas at ang iba sa institusyong ito pa grumadweyt.
            Marami ang naniniwala na nakamit ang lahat ng ito dahil sa mga pinagsamang malalaking oportunidad na binibigay ng institusyon at ang maliit datapwa’t maayos at napakaaliwalas na campus. Isa rin itong pampublikong unibersidad na naglalayong mapaunlad ang henerasyon ngayon at sa mga darating pa at nagbibigay-diin sa syensya at teknolohiya. Ang mga mag-aaral ay hindi lang pang-akademiko. Maraming organisasyong pwedeng salihan at mga ekstra-kurikular na mga Gawain na naglalayong mapaunlad at mahasa ang buong pagkatao ng isang estudyante. Halos mga estudyante na ditto nagsisipagtapos ay pawang mga kilalang mahuhusay at bihasa na sa kani-kanilang mga napiling kurso.
            Ang mga estudyante ng MSU-IIT ay nangangarap at binibigay lahat ng makakaya para matupad at makamtan ang kanya-kanyang minimithi. Pinili nila na pumasok sa MSU-IIT dahil alam nila na ang daan sa kanilang tagumpay ay matatagpuan sa institusyong ito. Kahit alam nilang malayo sila sa kani-kanilang mga mahal sa buhay ay hindi sila pinanghihinaan ng loob. Ginawa nila ito mga inspirasyon. At sa tulong din ng kanilang mga propesor ay hindi imposibleng makuha at maabot ang kanilang mga pangarap.
            Kung ikaw ay naghahanap ng paaralan sa darating na pasukan ay wag kalimutang isaalang-alang ang pangalang MSU-IIT. Kasama at kasangga sa hirap para mabot ang iyong pangarap. Ika nga, isang “WORLD-CLASS INSTITUTION”.



ipinasa ni:
diane rodriguez :D

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento