Linggo, Oktubre 9, 2011


“IITians: Laging Handa sa Pag-abot ng Tagumpay”

                   “We don’t just accept the Best and the Brightest, We Make Them!” Ito ang kasabihang nabasa ko sa isang brochure ng MSU-IIT noong mag-eenrol ako bilang first year. Tunay akong napahanga sa kasabihang ito sapagkat lumalabas na ipinagmamalaki ng MUS-IIT ang kanilang paaralan at marami silang maipagmamalaki na tagumapay na kanilang naabot. Kaya naman ako ay naengganyo na magenrol sa MSU-IIT at dahil na rin itinuturing ang MSU-IIT bilang isa sa pinakamahuhusay na mga unibersidad sa buong bansa.
                    Ang Mindanao State University – Iligan Institute of Technology o MSU-IIT ay isang pagmamay-ari ng pamahalaan at isang nagsasariling kampus ng Mindanao State University System. Ang MSU-IIT ay matatagpuan sa Lungsod ng Iligan sa Northern Mindanao sa Pilipinas at ito ay umarkila noong Hulyo 12, 1968 na itinakda ng Repunlic Act 5363. Ang MSU-IIT ay isang sosyo-kultural na kapaligiran na kung saan nagtatakda ng mataas na kalidad na edukasyon sa libu-libong mga estudyante sa Mindanao at mula sa ilang bahagi ng bansa. Ang unibersidad ay naghahandog ng mahigit sa isandaan na akademikong programa, kung saan kasama o kabilang ang 43 na sertipiko, masteral, at doktoral na mga graduate programs sa magkakaibang larangan kabilang ang edukasyon, pagnenegosyo, sining at sangkatauhan, engineering, impormasyong teknolohiya, natural at sosyal na agham, matematika, narsing, at abogasya. Sa kasalukuyan ay si Dr. Sukarno D. Tanggol ang Chancellor ng unibersidad.
                    Ang  mga estudyante mg MSU-IIT na tinatawag na IITians ay binibigyan ng oportunidad na makipagtulungan sa humigit-kumulang na limangdaan na tanyag na mga faculty members na magiliw tungkol sa pagtuturo, pananaliksik, at komunidad na pag-unlad. Kaya dahil dito, ang MSU-IIT ay nakatanggap na ng napakaraming institusyunal na mga award. Ang MSU-IIT ay kinilala bilang isa sa top performing na unibersidad sa bansa at bilang isang pamahalaang pagmamay-ari na unibersidad, nag-aalok ang MSU-IIT ng mataas na kalidad na edukasyon sa mababang halaga. Ang mga estudyante rin ay may oprtunidad na lumapit at makatanggap ng tagubulin at pangangasiwa na galing sa nangungunang may kakayahang mga propesor. Ang mga estudyante rin sa MSU-IIT ay malugod at masayang tinatamasa ang iba’t ibang klase ng iskolarsyip. Dahil ang MSU-IIT ay nag-aalok ng mga iskolarsyip sa mga estudyante upang maibsan sila sa kanilang paghihirap tungkol sa mga gastusin sa paaralan at matulungan ang mga estudyante na matustusan ang kanilang pag-aaral. Kaya ang unibersidad ay humintulot o naglaan
ng pang-akademiko at di-akademikong mga iskolarsyip, at paggawad ng pinansyal na tulong sa mahigit sa isang libong mga estudyante.
                    Ang  MSU-IIT ay may mahigit sa 60 mga organisasyon na ginagawa ang buhay kolehiyo ng isang estudyante na mas kasiya-siya at eksayting. Chorale group, dance troup, performing arts, debating team, at iba pang residenteng grupo o organisasyon ay nagdala ng malaking karangalan sa MSU-IIT sa pamamagitan ng local, nasyonal, at internasyonal na pagtatanghal. Ang ilan sa tanyag o kilala na grupo ng mga estudyante ay ang Octava, Ipag, Kalimulan, Lion Cheerleading Squad, Debate Varsity, Mindanao Creative Writers Group, Sports Varsity, at marami pang iba. Ang MSU-IIT rin ay marami nang naabot at nakamit na tagumpay. Mga halimbawa nito ay ang paggawad sa MSU-IIT ng Commission on Higher Education o CHED bilang Center of Excellence sa Matematika, Kimika, at Biyolohiya, Center of Excellence rin para sa pagtuturong edukasyon, Center of Development sa Physics, Center of Development rin sa Ceramics, Civil, Electrical, Electronics and Communication, Mechanical, at Metallurgical Engineering, Center of Development for Excellence sa Impormasyon at Komunikasyong Teknolohiya, at Zonal Research Center sa mga Rehiyon XII, IX, ARMM. Ginawaran rin ang MSU-IIT ng DOST o Department of Science and Technology bilang Information and Communications Technology Learning Hub sa Northern Mindanao at bilang Virtual Center for Technology  Innovation.
                   Kaya ano pa ba ang hinahanap ng isang estudyante sa isang unibersidad? ‘Yung may mataas na kalidad na edukasyon sa mas mababang halaga, ‘yung may iba’t ibang iskolarsyip at pinansyal na tulong na inaalok, ‘yung may mga bihasa at matatalinong propesor, ‘yung may iba’t ibang organisasyon na ginagawa ang buhay kolehiyo ng isang estudyante na mas kasiya-siya, ‘yung maganda ang katayuan ng paaralan at nagkamit ng iba’t ibang parangal, ‘yung may sosyo-kultural na kapaligiran, ‘yung may mga palakaibigan at matatalinong mga estudyante at ‘yung makakahanap ka kaagad ng trabaho pagtapos mo ng pag-aaral dahil sa pangalan at magandang record ng unibersidad. Ang lahat ng ito ay mayroon ang Mindanao State University – Iligan Institute of Technology. Kaya saan ka pa?
                    Tunay na masasabi na ang unibersidad ay magaling sa paghubog sa personalidad, katayuan, at pananaw ng isang estudyante sa kanyang buhay. Dahil hindi basta-bastang unibersidad ang MSU-IIT. Maraming nang nakapagtapos na mga bigatin na nagmula sa unibersidad na ito, mga naging propesyunal na doctor, nars, engineer, mayroon ding nakapag-
abroad, naging politiko, at siyempre may naging guro na ang ilan ay piniling makapagturo sa kanilang unibersidad na naghubog sa kanilang pagkatao, ang MSU-IIT.
                   Kaya ang MSU-IIT ay tunay na dapat ipagmalaki at ipagmayabang ng mga mamamayan ng Lungsod ng Iligan. Dahil kung iisiping mabuti, napabilang ang MSU-IIT sa pinakamahuhusay at may matataas na kalidad na edukasyon na mga unibersidad sa bansa, sa kabila ng libo-libong paaralan sa Pilipinas. Kay ito ay nagpapakita na ang MSU-IIT ay hindi basta-bastang unibersidad. Sapagkat, hindi lang sila tumatanggap ng pinakamagagaling at pinkamatatalino, dahil ang MSU-IIT rin ang lumilikha o gumagawa sa kanila. At nagpapatunay ito na ang IITians ay handa upang maabot ang tugatog ng tagumpay. Kaya saan ka pa? Eh dito na!


Ara Jane A. Arcasa   
I-BSE Physics
 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento