Lunes, Oktubre 10, 2011

IIT Lakas ng Masang Pilipino, Hinasa ang Angking Talino

Monteza, Ardriel Matthew A,
Filipino I
Ms. Ivy Victorio
MINDANAO STATE UNIVERSITY-ILIGAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY(MSU-IIT) : LAKAS NG MASANG PILIPINO, HINASA ANG ANGKING TALINO
Isang kahanga-hangang unibersidad na tumutulong at nagbibigay ng pag – asa sa bawat Pilipino lalo na yung matatalinong maralita upang makamit ang kanilang pangarap sa buhay. Nakakita na ba kayo ng ganitong paaralan na mababa ang matrikula ngunit nagbibigay ng kalidad na edukasyon?
Ang paaralang tinutukoy ko ang Mindanao State University – Iligan Institute of Technology(MSU-IIT), sa lungsod ng Iligan, Philippines. Ang paaralang ito kilala bilang isang pampublikong paaralan na nakikipag kompetensya sa larangan ng matematika, agham, literatura, teknolohiya at enjiniring laban sa mga malalaking paaralan tulad ng University of the Philippines, De La Salle University, Ateneo de Manila at iba pa. At sa kasalukuyang survey, isa pa ito sa sampu sa buong Pilipinas sa pagiging magagaling na unibersidad.
Sa maraming taon na nagdaan, ang paaralang ito ay patuloy na nagbibigay ng kalidad na edukasyon sa bawat mag-aaral sa bandang hilagang Mindanao sa natatanging pangunguna nito sa mga board exams. Malaking naiaambag din ang mga mahuhusay at magagaling na mga guro at mga propesor na halos lahat patuloy na naghahasa rin sa kanilang napiling propisyon sa pamamagitan ng pagtapos ng kanilang “masters degree” at “Doctorate”. At dahil dito, ang mga mag – aaral sa MSU – IIT ay masasabi kong hasang-hasa nila ang taglay na katalinuhan sa iba’t – ibang larangan ng pag – aaral.
Bukod pa dito, nag – aalay ang IIT ng maraming scholarships upang matutugunan ang mga mag-aaral na may problema pa sa pang-araw araw na pangangailangan. Ang kakapusan at kahirapan ng nakararaming mag-aaral nagiging hindi hadlang para makamit ang mga pangarap nila sa buhay dahil nandito ang MSU –IIT, handang tumulong sa kanila na mga masang Pilipino.
Isang institusyon sa northern Mindanao na dapat ipagmamalaki sa buong mundo sa larangan ng inprastraktura na kung saan dambuhala ang mga gusali nito at kompleto ang mga laboratories at state-of-the-art facilities. Palaging komportable and bawat mag – aaral at nagging “conducive ang learnings” dahil halos lahat ng silid – aralan ay “airconditioned” na. Meron ding maipagmamalaking Gym kung saan madalas ginaganap ang mga panloob at invitational na programa, local man at national.
Wala ding bagot na mararamdaman ng bawat mag-aaral sa paaralang ito dahil maraming “extra-curricular activities” at “ functional” organisasyon na masasalihan tulad ng IIT cheering and Dance Troupe , Integrated Performing Arts Guild (IPAG), ECHOES Band,Silahis, Kalimulan, at marami pang iba. Kaya para sa akin ito na ang perpektong paaralan para sa masang Pilipino. Mababang matrikula , dekalidad ang edukasyon , magagandang gusali, matatalino at matitinik na mga guro na humuhubog sa mga mag – aaral. Kaya, ano pang hinahanap nyo? IIT na!
Ang MSU –IIT ay isang paaralang walang kupas na humahasa ng kaisipan ng bawat Pilipinong mag-aaral at ng mga “foreign scholars” na silang inaasahang magbibigay kontribusyon sa pag-unlad ng kanilang pamilya at bansa. Kaya’t para sa akin, isa itong paaralan na mapapantayan ngunit hindi malalampasan. MSU- IIT, KAHANGA – HANGA KA!

2 komento:

  1. MSU-IIT is not looking for the quantity of the students,but looking for the quality of the students thats why you will undergo first the entrance exam or the SASE to calculate the knowledge you've gained before .after that, you will be informed or judged by the admission whether you are suitable to study in MSU -IIT or not.so, thumbs up for MSU-IIT!!!!!

    TumugonBurahin
  2. MSU-IIT is not looking for the quantity of the students,but looking for the quality of the students thats why you will undergo first the entrance exam or the SASE to calculate the knowledge you've gained before .after that, you will be informed or judged by the admission whether you are suitable to study in MSU -IIT or not.so, thumbs up for MSU-IIT!!!!!

    TumugonBurahin