Mahirap
pasukin. Maraming kailangang gawin. Maraming kailangang isakripisyo. Pero sa
kabila nito, marami pa ring naeengganyo. Sulit ang lahat ng hirap na
pingdaanan. Kapalit dito ang maraming mong matutunan. Dekalidad magturo at mga
magtuturo. Samahan pa nang makabagong teknolohiya na mga fasilidad. Ito ang Mindanao State University
– Iligan Institute of Technology o mas kilala sa tawag na MSU – IIT. Nasa hilagang
bahagi ng Mindanao . Ito ay matatagpuan sa Andres Bonifacio Avenue ,
Tibanga, Iligan City . Simulang buksan noong ika-12 ng
Hulyo 1968. Isang dekalidad na paaralan na may mga de-kalibreng mga magtuturo.
Noong
naghahanap pa ako ng paaralan kung saan ako magkokolehiyo ay hindi kabilang ang
MSU-IIT sa aking mga pinagpipilian. Wala akong ibang alam tungkol sa paaralang
ito maliban nalang na matatagpuan ito sa syudad ng Iligan. Hindi kabilang ang MSU – IIT dahil akala ko
noon na wala ng mas hihigit pa sa mga naglalakihang mga unibersidad sa Luzon . Noon ‘yon. Ngayon alam na alam ko na kung anong
mayroon ang MSU – IIT na wala ang iba pang sikat na mga paaralan. At ito ang
mga rason kung bakit nandito rin ako nag-aaral.
Ito
lang ang nag-iisang paaralan sa buong Mindanao
na umoofer ng mababang tuition fee kapalit ng ‘di matatawarang pagtuturo at
pagbabahagi ng mga impormasyon sa mga mag-aaral. At hindi lang ‘yan. Marami na
ring gantimpala at iba’t ibang mga parangal, mapaloob man ng bansa o labas, ang
natanggap ng MSU – IIT. Hindi makakamit ang lahat ng ito kung ang faculty,
staff at kabilang na ang mga estudyante ay hindi nagtutulungan. Bumilib ako sa “commitment
to academic excellence” ng institusyon. Hangang-hanga ako
sa dedikasyon ng institusyon na makamit ang layuning ito. At hindi nga sila
nabigo. Ang institusyon ay kinikilang ng Commission on Higher Education (CHED)
bilang Center of Excellence in Mathematics and Chemistry, Center of Development in Physics and Biology, Center of Development for Excellence in
Information and Communication Technology, Center of Development in Ceramics Engineering, Civil
Engineering, Electrical Engineering, Electronics and Communications
Engineering, Mechanical Engineering, and Material Science Engineering. At ito
rin ang Zonal Research Center
para sa mga rehiyon ng XII, IX at ARMM. Kilala rin bilang Information and Communication Technology Learning
Hub sa Hilagang Mindanao at Virtual Center
for Technology Innovation - Microelectronics base
sa standard ng Department of
Science and Technology (DOST).
At hindi rin
sa pagmamayabang, kadalasan sa guro at mga propesor dito ay galing sa mga
kilala at bantog na mga unibersidad, sa loob at labas man ng bansa. Halimbawa
rito ay ang ating maipagmamalaking Unibersidad ng Pilipinas at ang iba sa
institusyong ito pa grumadweyt.
Marami ang
naniniwala na nakamit ang lahat ng ito dahil sa mga pinagsamang malalaking oportunidad
na binibigay ng institusyon at ang maliit datapwa’t maayos at napakaaliwalas na
campus. Isa rin itong pampublikong unibersidad na naglalayong mapaunlad ang henerasyon
ngayon at sa mga darating pa at nagbibigay-diin sa syensya at teknolohiya. Ang
mga mag-aaral ay hindi lang pang-akademiko. Maraming organisasyong pwedeng
salihan at mga ekstra-kurikular na mga Gawain na naglalayong mapaunlad at
mahasa ang buong pagkatao ng isang estudyante. Halos mga estudyante na ditto nagsisipagtapos
ay pawang mga kilalang mahuhusay at bihasa na sa kani-kanilang mga napiling kurso.
Ang mga
estudyante ng MSU-IIT ay nangangarap at binibigay lahat ng makakaya para
matupad at makamtan ang kanya-kanyang minimithi. Pinili nila na pumasok sa
MSU-IIT dahil alam nila na ang daan sa kanilang tagumpay ay matatagpuan sa
institusyong ito. Kahit alam nilang malayo sila sa kani-kanilang mga mahal sa
buhay ay hindi sila pinanghihinaan ng loob. Ginawa nila ito mga inspirasyon. At
sa tulong din ng kanilang mga propesor ay hindi imposibleng makuha at maabot
ang kanilang mga pangarap.
Kung ikaw ay
naghahanap ng paaralan sa darating na pasukan ay wag kalimutang isaalang-alang
ang pangalang MSU-IIT. Kasama at kasangga sa hirap para mabot ang iyong
pangarap. Ika nga, isang “WORLD-CLASS INSTITUTION”.
ipinasa ni:
diane rodriguez :D
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento