Jas Felicisimo A.
Cane
Filipino 1 Section B8-4
Pang World Class na Institution
Paano mo kaya
ipopromote ang Mindanao State University – Iligan Institute of Technology o
MSU-IIT? Ipopromote mo ba kaya sa telebisyon, radio, newspaper o di kaya
ipabillboard mo? O kaya advertaysment? Narinig mo na ba ang tagline ng
unibersidad na “Quality Education in a Low Price”. Ito ay halimbawa sa mga
tagline ng MSU-IIT upang humikayat ng mga estudyante sa iba;t ibang lugar.
Kahit hindi
ipopromote ang MSU-IIT, marami pa rin ang kumukuha ng examination upang
makapasok lang sa unibersidad. Sino kaya ang hindi papasok sa ganitong
unibersidad sa tagline pa na “Quality Education at Low Price” marami ang
umaambisyon na papasok dito.
Ako, bilang
freshman sa unibersidad na ito, nasabi ko talaga na sulit na sulit talaga kahit
ang maga propesor mo ay isa sa mga terror ng campus.
Ang edukasyon
ditto ay nakakatulong talaga upang magamit sa iyong pang kasalakuyang propesyon
o buhay. Hindi masasayang ang puyat, pagod at hirap kasi nararamdaman mo ang
bunga ng paghihirap mo.
Sa MSU-IIT may
walong bigating colleges. Una ang CASS o College of Arts and Social Sciences,
ditto nabibilang ang may gusto sa larangan ng pilosopiya, psychology, inglis,
Filipino at political science.
Ang CED o College
of Education, kung gusto mong magin isang huwarang guro, ditto ka nabibilang.
Alam niyo bang overall champion sila noong nakaraang Palakasan 2011. Ang CSM o
College of Science and Mathematics. Kungang buhay mo’y puno nang numero at
siyensya. Ang CON o College of Nursing. Alam niyo ban a top 9 sila buong
Pilipipinas sa larangan ng nursing. Ang SET o School of Engineering Technology,
ditto ang mababagsik na mga estudyante
sa larangan ng teknolohiya.
Ang SCS o School
of Computer Sciences. Dito ka nabibilang kung gusto mong maging talinghaga sa
mga computer programming. Ang CBAA o College of Business Administration ang
Accountancy. Kung mahilig ka sa mga pera, numero at calculation, dito ka
nabibilang. At ang panghuli ang COE o College of Engineering, ditto nabibilang
ang mga pinakamabagsik sa larangan ng engineering. Binansagan rin silang “Home
of the Champions.”
Hindi lang
pag-aaral ang inaatupag ng mga estudyante, may break rin sila at panahon upang
magsaya. May event sa unibersidad na parang intramurals sa high school na
tinatawag na PALAKASAN sa MSU-IIT. Dito maglaban-laban ang walong colleges sa
larangan ng sports at literature. Nakaraang ilang buwan, nanalo ang CED sa
Palakasan 2011. Di lang sila champion, overall champion.
Kung paguusapan
natin ang siguridad ng unibersidad, nandiyan ang ating mga alertong security
guard. Ang siguridad sa unibersidad ay
mahigpit sa pagpasok at paglabas
mo. Nakakasiguro ka na ang kaligtasan ang misyon nila.
Habang tumatagal
lalong tumitibay ang MSU-IIT, dahil sa misyon nilang makapaglaan ng mataas na
uri ng edukasyon para sa pang-industriya at sosyoekonomikong pag-unlad ng
Mindanao na may iba-ibang jultura sa pamamagitan ng mga programang may
kaugnayan sa pagtuturo, pananaliksik, ekstensyon, at pakikilahok sa mga gawaing
panlipunan.
May mga
organisasyon rin silang itinatayo upang hasain ang mga tinatagong talento ng
mga estudyante. Una ang OCTAVA, ito’y organisasyon ng unibersidad na pang world
class ang tinig at musika. Ang IPAG, pinagmamalaking pang world class na teatro
ng MSU-IIT. Ang KASAMA na hinhasa ang iyong talent sa pagpapamuno sa kabataan.
At iba pang organisasyon na itinayo sa unibersidad.
Alam niyo rin
bang meron ring mga kalahok sa loob at labas ng bansa sa larangan ng research,
tulad ng apat na faculty members ng CED ( College of Education ) na ipresenta
nila sa Khon Kaen University, Thailand
noong nakaraang Septyembre 9 hanggang 10 sa taong 2011. Pang world class di ba.
Hinihikayat ko
kayo na dito kayo magenroll sa MSU-IIT, dahil sa mataas nitong standard sa
edukasyon. Hindi lang sa edukasyon kundi sa mataas nitong hangarin na makatapos
nang magagaling at karapatdapat na mga estudyante sa buong mundo.
Kaya enroll na! o di kaya tingnan niyo sa
official website nng MSU-IIT sa http://www.msuiit.edu.ph .
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento