Proud to be IITians
Mindanao State University- Iligan Institute of Technology, paaralang kilalang-kilala sa Mindanao bilang isa sa mga unibersidad na magaling at matagumpay. Kabilang ito sa MSU system at matatagpuan ito sa A. Bonofacio Avenue, Tibanga, Iligan City. Isa ako sa mga mag-aaral sa unibersidad na ito, at talagang hanga at proud ako sa galing ng MSU-IIT.
Sino ba naman ang hindi magiging proud kung isa ka sa mga estudyante ng MSU-IIT. Magandang edukasyon, delalidad na unibersidad at higit sa lahat, matatalino at magagaling na mga estudyante at mga propesor ng MSU-IIT. At kapag nakapagtapos ka sa unibersidad na ito, maraming opurtuninad at trabaho na maghihintay sayo. Pero bago ka makakapasok sa MSU-IIT kailangan mo ng kumuha ng SASE examination. At kung makakapasa, may ibibigay ang IIT ng listahan ng mga rekwaryments para ipapasa sa darating na enrollment. Kung hindi ka naman nakapasa ay huwag mag-alala dahil mayroong general education na handang tumanggap. An Gen. Ed ay isang proposal ng MSU-IIT para sa hindi SASE passers na gustong-gustong mag-aral sa institusyon. Kailangan muna nilang mag Gen. Ed ng dalawang taon para makakuha ng kani-kanilang gustong mga kurso.
Napakaraming colleges ang nasa MSU-IIT. Kabilang dito ang CED o College of Education para sa gustong maging guro. Sa MSU-IIT ang kursong HRM ay nakapaloob sa CED. CSM o College of Science and Mathematics para sa gustong kumuha ng BS Math. BS Physics, at BS Biology. Para sa mga gustong kumuha ng mga business course, CBAA o College of Business Administration and Accountancy ang dapat pag-enrollan. Mayroon ding CASS o College of Arts and Social Sciences para sa gustong kumuha ng Law, AB English, AB Filipino, at iba pang kursong nakapaloob dito. CON o College of Nursing para sa gustong maging nurse kahitv marami ng nurse sa mundo, COE o College of Engeneering para sa gustong maging inhenyero. Mayroon ding mga eskwelahan sa MSU-IIT na pwedeng pasukan. Katulad ng SCS o School of Computer Studies at SET o School of Engeneering Technology. Ito ang eskweklahan na nag o-offer ng dalawa hanggang apat na taong mga kurso.
Hindi makukumpleto ang IIT kung walang mga gropung makakahasa sa mga nakatagong talento ng mga estudyante nito. Maraming mga grupong pwedeng pasukan sa institusyong ito. Katulad ng IPAG o Integrated Performing Arts Guild at KALIMULAN, ito ang mga grupo na nagpapakita ng kanilang mga talento sa Cultural dances at Theatre. ECHOES at OCTAVA, ang mga grupong kumakanta sa IIT at LIONS na isang grupo na sumasayaw ng mga hiphop, popdance, cheerdance at iba pa. halos sa mga grupong ito ay nakapagtanghal na sa iba’t-ibang parte ng ating bansa at sa ibang bansa. Nagpapatunay lang ito na hindi lang matatalino ang taga MSU-IIT kundi mayroon din itong mga talentong maipapakita at maipapamalas sa buong mundo. May organisayon din dito na tinatawag na KASAMA o Kataas-taasang Sanggunian ng mga Mag-aaral kung saan miyembro ang lahat ng mga estudyante dito. Sa pamamgitan ng organisasyong ito, maririnig ang boses o mga hinaing ng mga mag-aaral. May nagaganap ding eleksyon dito, taon-taong pinapalitan ang mga namumuno ng KASAMA. Dito rin nahahasa ang galing ng pamumuno ng kung sino man ang maging presidente dito.
Masasabing all around ang galing ng mga estudyante sa institusyong ito. Makikita natin na sa establisyemento, facilities, mga guro o propesor, at mag-aaral talagang kay galing at matagumpay ang pag-angat ng MSU-IIT sa bansa. Kaya hindi natin maiwawaglit sa ating mga sarili na we are proud to be IITians.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento