"Pag-aaral ay sa Kinabukasan"
Sa
aking karanasan, nuong ako ay nasa ika-apat na baitang sa sekondarya tila ba
malaking misteryo ang kolehiyo. Ang pagtatapos
ko nuong Marso 2011 ay masaya; ako’y nagbunyi ng lubos at ang buhay ko’y puno
ng ligaya. Mahigit isang buwan na ngunit ako’y nagtatanong pa rin ano kaya ang
kurso ko. Buti nga at anjan parati ang pamilya kong tumotulong sakin sa
pagpapasya ng kurso ko. Ang likas na kagalingan, lakas at pati kahinaan ay
inisip ko ng lubusan at nagpasya ng kurso ko. Hindi ko naisip ang likas kong kagustohan
sa buhay. Ang Inay ko’y experto at mahusay sa buhay, tanong ng Inay ko ano raw
ang gustohin kong maging sa buhay. Hindi ako nakasagot ng diretso sa
katanungan. Ang bata kong kaisipan ay nag-aalinlangan, takot kasi akong
magkamali ng desisyon. Alam ko dama mo rin ang takot ko nuon sa pagtapos mo sa secondarya.
Naghanap ako ng eskwelahan na maganda at dekalidad, alam ko madali lang
maghanap ng kurso. Sa Iligan City ang MSU-IIT pala ang masasabi kong pangarap
ng karamihan. Nagtaka ako ba’t gusto ng kabataan ang MSU-IIT, ako’y napilitan
na mag-aral ng MSU-IIT kasi malapit lang sa pamilya, at ang inay at itay ko
matanda na para mag-alala sakin kung sa malayo ako mag-aral. Sa unang araw ko, ako’y nagmasid at nanibago sa paaralan. Malaki ito,
nagtataasang mga gusali, at libo-libong estudyante. Nagustohan ko na ang mukha
ng eskwelahan, sa pag-aaral ko sa MSU-IIT, unang semestre ko pa lamang nadama
ko na ang hirap at pag-aalinlangan kong makapasa sa mga asignatura ng unang
semestre. Nakakahiya rin mabagsak sa asignatura kasi ang galing-galing ng mga
guro ko. Hindi na ako nagtaka ba’t marami ang bumabagsak dito, dapat kasi ang
kagalingan ng eskwelahan at ang kapasidad ng estudyante magtulungan. Kung
palarin man akong makapasa sa lahat ng asignatura gugustohin ko pa rin mag-aral
sa MSU-IIT. Kung bumagsak man ako, mag-aaral pa rin ako sa MSU-IIT at iiwasan
ng bumagsak. Kasi raw pag “IITIAN” di ka man mapagmataas ngunit mataas ang
tingin sayo. Sa aking karanasan sa kolehiyo kung palarin man magtapos sa IIT,
ay ipagmamalaki ko to ng lubos, tripli pa ang pagbubunyi ko. Alam ko na hindi
lahat ng freshman sa ngayon ay magpapatuloy at magtatapos sa IIT. Sa pang
kalahatan ang kagalingan ng estudyante ay sa bunga ng kagalingan ng guro ito ay ang imahe ng eskwelahan kaya
naman ang ganda-ganda ng imahe ng IIT dahil sa mga estudyante na produkto ng
mga guro.
Ngunit
naiintindihan ko kayo na ang kabataan gusto rin ng pahinga sa pag-aaral
paminsan-minsan, ako man gustong-gusto ko ng lumiban ng klase nuong nasa
sekondarya pa ako ngayon sa kolehiyo paminsan-minsan namimis ko ang mga kaklase
ko. Ang klase ko sa buong linggo, apat na araw lamang at sa buong araw minsan
tatlo minsan apat lamang. Ang walang klase ko naman isang oras o apat na oras
paminsan-minsan kaya naman masasabi kong hindi nga talaga nakakabagot mag-aral.
Ang palakasan naman sa eskwelahan ay masaya, masaya kasi ang raming programa at
ibang ibang laro. Humahanga lang rin ako sa eskwelahan kasi ang kulturang
Filipino na pinangangalagaan ng eskwelahan, naranasan ko nga maglaro ng larong
pinoy na kilala sa kadang kadang. Nagdadala rin ng aliw ang kagalingan ng mga
estudyante kasi sa laro ng palakasan hinding hindi nagpapatalo ng basta basta
ang IITIAN kaya nakakaaliw panoorin ang mga magagandang laro sa palakasan. Ang kagandahan
rin ng mga dalagang estudyante na nagmula sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas
makikita mo sa eskwelahang ito. Di ko man lubos akalain meron din mga nagmula
sa Luzon na nag-aaral sa IIT. Sigurado akong sa Manila naglipana ang
magagandang at dekalibring eskwelahan. Ang MSU-IIT nga’y nakarating na sa Luzon
at sa ibang bansa kilala na rin ito kasi nga ang produktibo at magagaling na
nagtapos sa IIT ay nagtrabaho na. Kaya sa kagalingan nila ang pangalan ng
eskwelahan ay hinuhubog ng positibong pananaw. Sa pananaw ko, ang angking
katalinuhan ng estudyante’y hindi lahat orihinal na sa kanya, ang ibang
katalinuhan ng estudyante’y nagmula sa kapaligiran niya. Gusto kong mag-anyaya
ng experto na magkandak ng pag-aaral sa mga estudyante na nag-aaral sa IIT at
matapos mag-aral ng kahit isang taon kung ang IQ ba ng estudyante’y tumaas. Di
naman sa pagmamayabang ang guro ko lamang ang nakapaghikayat sakin na magsulat
ng pagkahaba habang sulatin at pumapasok sa eskwela kahit bumabagyo; ang guro
kong produkto ng IIT. Itong pagbabago ko’y hindi lahat dahil sa IIT ngunit
malaking tulong ang mabait at maintindihing guro ko na produkto ng eskwelahang
pagkaganganda. Ang panghuli ay ang pagiging aktibo ko sa simbahan, may maraming
estudyante na aktibo sa simbahan dahil ang eskwelahan ay aktibo din. Tuwing meyrkules
ng alas dose ng tanghali may misa sa gym at ito ay nakikitaan ko ng magandang
epekto sa akin. Ano pa nga ang hinahanap sa isang matalino, mahusay, at
nagtapos sa IIT? Kundi ang kabaitan at
kadalisayan ng loob. Matapos ang kong makita itong lahat sa isang produkto ng
IIT gusto ko rin maging isa sa kanila. Sa unang semestre ko sa kolehiyo ay
masasabi kong naging interesado akong mag-aral dahil sa positibong isip dulat
ng positibong kapaligiran nanggaling sa napakahusay na eskwelahan ng Mindanao.
Nasabi
ko nga ang eskwelahan ay nasa Mindanao, nakakatakot ang naiisip mo agad sa Mindanao State
University. Ang MSU-IIT ay may napaka raming bantay, at no ID no Entry ang
ipinapatupad na batas. Kaya masasabi kong ligtas dito kahit pa anak ng pangulo
ang mag-aral dito. Kinabukasan ko ba'y may kasiguradohan?
Hubert Henry G. Cabanilla Filipino I B8-4
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento