Sabado, Oktubre 8, 2011



Bieverly Mae C. Abines        I-BSE PHYSICS                                   Filipino 1 B8-4

MSU – IIT Promosyon

     May mga bagay na mabilis ang pag-unlad o mabilis ang pagbili nito sa isang lugar. Nadadaan ito sa pagpopromote ng mga bagay sa mga mamimili. Kung kaya mabilis ang pagkaubos nito sa mga tindahan. Paano kaya mapopromote ang isang unibersidad tulad ng MSU-IIT ?
     Maraming paraan kung paano mapopromote ang MSU-IIT. Sa panahon natin ngayon na nagkakaroon tayo ng mataas na teknolohiya ay marami din paraan ang magagawa. Sa pamamagitan ng mataas na teknolohiya natin mapapadali natin ang pagpopromote nito. Halimbawa nito ay sa pamamagitan ng telebisyon , radio, patalastas sa telebisyon , posters at iba pa. Kung gamit ay telebisyon, ipapalabas ito sa telebisyon ang mga magagandang maidudulot ng MSU-IIT kapag ditto ka nakapag-aral. At kung sa radyo naman ay may taong magpopromote nito. Sasabihin niya ang magagandang katangian ng MSU-IIT. At sa mga posters ay  didikitan ito ng larawan ng MSU-IIT at mga magandang aspeto nito para mahikayat ang mga tao na mag-aral dito sa MSU-IIT at marami pang kagandahang dulot nito. May iba pang paraan sa pagpopromote na mas mabisa at ito ay ang gamit ang bibig natin o sa ingles ay “word-of-mouth”. Magagamit natin ang bibig natin kung ikaw mismo ay nakapag-aral sa MSU-IIT sapagkat may masasabi kang maganda tungkol ditto na makapaniwala sa ibang tao para sila ay mahikayat na dito mag-aaral.
                      Hindi lamang sa paraan na iyan pwede din sa sarili nating paraan para maipromote ang MSU-IIT. Halimbawa nito ay kapag maraming estudyante ang nag-aaral sa unibersidad na ito , nagpapakita lamang ito na may magandang antas ang MSU-IIT sa pagtuturo ng mga estudyante ito sapagkat napakahirap sa simula mkapasok sa unibersidad na ito. Maraming pang mga bagay nag naidudulot ng MSU-IIT. Hindi lang sa pagkakaroon na mataas na lebel sa pagtuturo ay mababa din ang matrikula nito. Sa mababang matrikula ay maisisigurado mo ang pag-aaral na mga estudyante sapagkat ang guro dito ay propesyonal na nagtapos sa iba pang unibersidad o kolehiyo para lng magturo. Ditto din ay makakapili kayo ng magandang kuso na gustuhin ninyo. Ang MSU-IIT ay may iba’t – ibang kursong mapagpipilian sa iba’t-ibang departamento. Halimbawa nito ay CASS, COE, CED, CSM, CBAA, SCS, SET at may IDS na pangsekondarya na pampaaralan. Makakapili ka dito na mas mainam na kurso sa mababang matrikula lamang. At kung kapus ka sa pang.gastos ay makakapag-aral ka parin sapagkat ay mayroon sila dito na libreng iskolarship at pantrabaho sa mga estudyante na gustong mag-aral ngunit walang pambayad ng matrikula. Mayroon sila tinatawag na STUDENT ASSISTANCE. Pwede kang mag-aral pero mgatatrabaho ka bilang kapalit ng mga gastusin sa paaralan at mga bayarin ukol sa pag-aaral nito. Makikita natin na ang unibersidad na ito ay pang-world class institution. Kung kaya mayroon itong magandang pagtuturo ant sistema nila sa pagtuturo na naghihikayat ang mga estudyante na mag-aral ng mabuti at magkaroon ng malaking marka. Babalik tayo sa mga kurso, kung gusto ng isang estudyante na mag-aral bilang isang enjiner ay pwede siyang mag-enrol sa COE ( College Of Engineering). Sa departamentong ito ay marami kang mapipilian tulad ng Mechanical engineering, chemical engineering, civil engineering at iba pa. Kung gusto naman maging doktor ay pwede din sa CSM ( College of Science and Mathematics). Napapabilang dito ang BS Biology, BS Physics, BS Chemistry, BS Math, BS Statistics at iba pa. At kung magaling ka sa accounting ay meron din naman na CBAA ( College of Business Administration and Accountancy). Dito din naman ay meron ang  BS Accountancy. Marketint at Economics. At hindi magpapahuli ang Nursing sa CED ( College of Education). Dito ang mga estudyante na gusto maging guro baling-araw ay nandito ang kurso nilang makuha. Nandito ang BSE Biology, BSE Physics, BEED English at iba pa. napapabilang din ditto ang HRM( Home and Restaurant Management)
       Pagdating naman sa mga “extra curricular activites” ang MSU-IIT ay hindi magpapahuli lalo ng nakaaraang araw ay maraming mga paligsahan o kaya mga okasyon ang nagaganap.  Halimbawa nito ay ang PALAKASAN nito. May mga paligsahan sa bawat departamento sa mga iba’t-ibang isports nito ; sa basketball, soccer , baseball, at iba pa. At dito din ginanapa sa MSU-IIT gym ang “Miss Iligan” sapagkat napakalawak na gym sa MSU-IIT. Dagdag pa ay meron din IPAG na nagpapakita ng mga dula na minsan ay tungkol sa mga epiko o alamat man .
    Hindi ka magsisisi kung ditto ka mag-aaral sa MSU-IIT sapagkat hindi lang ang mga impormasyon ang nasa itaas ang pwede mong maranasan kundi marami pang mga masayang mararanasan mo bilang isang kolehiyong estudyante. Kung kaya , kung gusto mong mag-aral sa MSU-IIT ay mag-enrol na.
     Ditto mo mararanasan ang kasabihan na “no sweat, just blood”. Kung gusto mong malaman ang tungkol sa MSU-iit ay mag-enrol na at mag-aral. Kaya tara na !! 
 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento