Sabado, Oktubre 8, 2011

Ginto ng Mindanao


“Dakilang Paaralan sa Pamantasang Mindanao”
Ni Jude Royle Ricaña Hudaya

Ang Pilipinas ay binubuo ng 7,107 na isla at may tatlong pangunahing isla, at ito ang Luzon, Visayas at Mindanao, at ito ay binubuo ng ibat ibang Unibersidad. Kung ang Luzon ay may UP (University of the Philippines) na nangunguna sa mga Unibersidad sa Pilipinas at kung sa Visayas naman ay may Siliman University, sa Mindanao naman ay makikita mo ang isang Unibersidad na nagsisilbing ginto ng Mindanao, at ito ay ang Mindanao State University-Iligan Institute of Technology na may akronim na MSU-IIT. Ang MSU-IIT ay makikita sa isang maliit na lungsod ng Mindanao at ito ay ang lungsod ng Iligan.
Kung dati ay isa lang itong maliit na paaralan na nagngangalang Iligan High School (IHS) sa taong 1946, na naging Lanao Technical School(LTS) na isang Vocational School sa taong 1956, nagpalit ulit ito ng pangalan sa taong 1965 at ito ay tinawag na Northern Mindanao Institute of Technology(NMIT). Pagkalipas ng tatlong taon sa taong 1968 ang NMIT ay naging MSU-IIT dahil sa Republic Act 5363. Sa kasalukuyan ang MSU-IIT ay patuloy parin nagbibigay ng “Quality Education” sa mga mag-aaral. Dahil dito ang MSU-IIT ay laging pasok sa top 10 Universities of the Phillippines, at base sa ranking nito sa CHED ngayong taong 2011 ang MSU-IIT ay ika tatlo sa mga Unibersidad ng Pilipinas. Ang MSU-IIT rin ay tanyag na “Center of Excellence” sa ibat ibang kurso, tulad ng “Education”, “Engineering” at iba pa.
Kung sa pasilidad lang din ang pag-uusapan hindi nagpapatalo ang Unibersidad na ito. May Projector para sa mga mag-aaral na nag rereport, may air conditioned rooms upang ang mga mag-aaral ay hindi mainitan habang nakikinig sa kanilang lessons, mayroon din itong Gymnasium kung saan nagaganap ang mga importanteng kaganapan sa Institute at sa boung lungsod ng Iligan, at upang ang mga mag aaral ay hindi mabilad sa araw habang sila ay nag peP.E. Noong nakaraang buwan nga noong August 2011 naging Top 9 ang College of Nursing (CON) ng MSU-IIT sa top performing Nursing Schools ng bansa. Nangangahulugan na ang MSU-IIT ay hindi rin nagpapatalo sa mga nangungunang Unibersidad ng bansa tulad ng UP, UST, DLSU at iba pa. Ang ibang engineering at education students din ng IIT ay hindi nagpapatalo sa mag-aaral ng ng ibang Unibersidad, dahil sa bawat licensure exams ng mga engineering at education students ay palagi silang pasok sa topnotchers sa bansa.
Ang MSU-IIT ay maroon ding ipinagpamamalaking teatro tulad ng Integrated Performing Arts Guild o IPAG. Ang IPAG ay isang resident theatre ng MSU-IIT kung saan magrereprasenta na ito sa ating bansa sa 100 na lungsod ng mundo. Noong September 2011 nga ay dinumog ang kanilang dula ng mga manonood mula sa Unibersidad ng Bukidnon at sa iba pang paaralan ng Mindanao. Kung sa Choir din ang pag-uusapan hindi magpapatalo ang MSU-IIT, dahil noong August 25, 2009 nanalo ang OCTAVA ang resident choral group ng IIT ng isang gintong certificate at dalawang pilak na certificate sa five-day International Choral Competition na naganap sa Cultural Center of The Philippines(CCP). Sabi pa ng MSU-IIT campus secretary na si Prof. Rhodora N. Englis na ang gintong certificate na nakuha ng OCTAVA ay dapat ipagmalaki ng mga taga Mindanao dahil naibibigay lang ito sa choral group na naka abot sa International Standards. At Sabi pa ng direktor ng OCTAVA na si Prof. Francisco Englis, mahirap daw manalo sa kompitisyon na iyon dahil ang makakalaban nila ay ang UP at ang UST kung saan nanalo na ng gintong medalya sa International Competition.
 Isa rin sa napanalunan ng MSU-IIT ay ang debate competition na naganap sa Manila sa ANC. Natalo ng MSU-IIT debate varsity ang debate varsity ng UST. Isa din sa ipinagmamalaki ng MSU-IIT ang kanilang Professor sa Filipino na si German Gervacio kung saan nakapanalo na ng tatlong awards mula sa Palanca Awards, dahil sa kanyang mga isinulat magaganada. Si German Gervacio ay isang resident panelist ng lungsod ng Iligan.
Kung ang ipinagmamalaki ng CASS (College of Arts and Social Sciences) ng MSU-IIT ay si German Gervacio, ang ipinagmamalaki naman ng CSM(College of Science and Mathematics) ng MSU-IIT ay si Dr. Ryan Balili. Si Dr. Ryan Balili ay isang DOST scholar na gumraduate sa MSU-IIT noong 2002 sa kursong Bachelor of Science major in Physics (BS-PHYS.). Sa taong ito natanggap ni Dr. Ryan Balili ang Gallieno Denardo Award dahil sa kanyang gawa na tinawag na semiconductor optics. Sa taong 2006 nanalo ulit si Dr. Ryan Balili ng International Award at ito ay ang Physica Status Solidi Young Researcher Award para sa best research and presentation sa ika pitong International Conference on Excitonic Processes in Condensed Matter sa Winston-Salem sa Estados Unidos.
Base sa na reserts ko sa Internet at narinig ko mula sa aking pinaka magaling at pinakapaburitong guro ko sa Math 17 na si Dr. Joselito Uy, ang MSU-IIT raw ay isa sa mga malalaking Unibersidad sa Mindanao na may pinakamaraming fakulti at staff. Kaya isa rin ito sa mga dahilan kung bakit ang MSU-IIT ay palaging pasok sa mga nangungunang Unibersidad sa Pilipinas. Nakasaad sa Internet na ang MSU-IIT ay may kabuuhang bilang na 1,037 na fakulti at staff, hindi katulad sa ibang Unibersidad ng Mindanao na may kabuuhang bilang na fakulti at staff na hindi lalagpas sa 500 at mayroon ding iba na hindi umabot ng 1,000 bilang na fakulti at staff at mayroon ding iba na naka abot.
Ika nga nila na ang MSU-IIT at ang UP lang daw ang natatanging Unibersidad na nag ooffer ng kurso na Metallurgical Engineering (MetE). Ang MetE ay isa sa mga in demand na trabaho sa panahon ngayon, dahil dito maraming opurtunidad na nakahintay sa mga mag-aaral na gustong mag enroll sa kursong MetE. Halimbawa ng opurtunidad na naghihintay sa mga mag-aaral na gustong mag enroll dito ang opurtunidad na maka kuha ng scholarships mula sa karatig bansa tulad ng Japan na isang maunlad na bansa dahil sa kanilang makabagong teknolohiya.
Sa panahon ngayon na mahal na ang mga bilihin at kaunti nalang ang mga Unibersidad na nagbibigay ng mas mababang bayarin na may mataas na kalidad na edukasyon at isa na rito ay ang MSU-IIT na patuloy parin na nagbibgay ng mataas na kalidad na edukasyon sa Mindanao hindi lang sa Mindanao pati narin sa buong bansa at sa buong mundo, ika nga nila na ang MSU-IIT ay isang world class na institusyon, nangangahulugan na hindi lang ang MSU-IIT nakikipag sabay sa lebel o kalidad ng edukasyon ng mga Unibersidad sa ating bansang Pilipinas tulad ng UP, ADMU, UST, DLSA at iba pa, ngunit kaya din ng MSU-IIT na makikipag sabay sa lebel o kalidad ng edukasyon sa ibang Unibersidad  sa Asia at sa buong mundo.
At sa palagay ko, sa pagdating ng panahon sa makabagong henerasyon ay hindi na tayo magtataka kung bakit ang MSU-IIT ay maging una na sa mga Unibersidad ng bansa at baka hindi na ito matawag na Ginto ng Mindanao ngunit matatawag na ito na Ginto ng Pilipinas. Ito ang MSU-IIT ang Unibersidad na isang dakilang paaralan sa pamantasang Mindanao.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento