Lunes, Oktubre 10, 2011

MSU-IIT: Institusyong ng mga matatalinong mag-aaral


MSU-IIT: Institusyong ng mga matatalinong mag-aaral

Paano mo masasabing may mataas na kalidad ng edukasyon ang isang institusyon? Sa pagiging sikat ba nito? At pagkakaroon ng mataas na matrikula? O sa pamamagitan ng pagkakaroon nito ng mga graduate na matatalino, may magagandang pag-uugali, at mga aktibo? Sa tingin niyo ba`y makikita niyo pa ang ganitong institusyon sa panahon ngayon? Kung gayon, kung kayo`y naguguluhan, hayaan niyong ihatid, imulat at buksan ko ang pinto ng institusyon ninanais niyo.

Sa panahon ngayon, nagsiliparan na ang iba`t ibang institusyon dito sa Pilipinas, pampribado man o pampubliko. Hayaan niyo na ipakilala ko sa inyo ang pinagmamalaking institusyon ng mga estudyanting nagsitapus at kasalukuyang nag-aaral sa Mindanao State University-Iligan Institute of Technology o mas kilala sa pangalang MSU-IIT. Hindi man 100% ay halos saan mang sulok sa Pilipinas  ay kilalang-kilala ang MSU-IIT, lalong-lalo na sa lugar dito sa Mindanao. Nagsisidayo pa ang mga mag-aaral pa lamang sa kolehiyo  dito sa Iligan upang dito sila makapag-aral sa MSU-IIT. Ang layo ay hindi hadlang sa kanila upang makapag-aral sa institusyong ito.

Hindi ba kayo nagtataka kung bakit ganito na lamang ang pagpupursige ng mga estudyanteng ito namakapag-aral at manatili sa institusyong ito? Masasabi kong ito`y dahil sa kagalingan at kakayahan ng institusyong ito sa iba`t ibang larangan. Iisa-isahin natin ito upang inyong mas makilala ang institusyon ng bawat natatanging mag-aaral.

Kung pag-uusapan ang akademikong katayuan ng institusyon, walang duda na napapabilang ito sa mga nangungunang mga institusyon sa akademiko. Nagbibigay ang institusyon ng pasulit upang sa gayon malaman nila kung maari bang makapasok ang mag-aaral sa institusyong ito. Ang pasulit na ito ay may cut off, ito rin ay sumusukat sa kung anung kurso ang maaaring kunin ng estudyanti at kung maaari ba silang makapasa sa scholarship na bigay mismo ng institusyon. Kung sakaling makapasok ang isang mag-aaral, sila`y binibigyan ng iba`t ibang mga pagsubok upang ang estudyanti ay talagang mahasa. Ang mga pagsubok na ito ay na gagamit ng mga estudyante sa kanilang hinaharap. Nagagamit din nila ito upang sila`y pumasa sa mga binibigay na pasulit ng kanilang natatanging guro.

Sa paghasa ng mga estudyanting ito, nariyan ang mga professor ng iba`t ibang Departamento mula sa iba`t ibang colleges. Ang mga professor na ito ay talagang namang bigatin. Ang mga estudyanting ito ay nagsipagtapos na may ipagmamalaki sa kanilang mga magulang at may dalang mga iba`t ibang mabubuting karunungan na nakuha nila sa institusyong ito. Hindi lamang sweldo ang hinahangad ng mga guro rito kundi gusto nila na ang kanilang estudyante ay maging isang kanais-nais at matagumpay na mag-aaral at maging isang katulad nila na may natapos. Sinisigurado nila na matututo ang bawat estudyanti. Sa pagbibigay naman ng mga marka, sila`y hindi pomapabor kung ito man ay kanilang kilala o hindi, pantay lamang ang mga pagtingen nila sa bawat estudyante. Hinahasa nila ng mabuti ang mga isip ng mga estudyante. Sinisigurado din nila na hindi lamang sa akademiko mapapabuti ang mga estudyante, kundi pati narin sa mga pagharap sa pansariling mga problema nila.

Sa mga colleges naman ng institusyong ito, nariyan ang CSM (college of Science and Mathematics), CASS (College of Arts and Social Science), CED (College of Education), COE (College of Engineering), CON (College of Nursing), COL (College Of Law), SET (School of Engineer Technology) at SCS. Ang mga colleges na ito ay may iba`t ibang kakayahan na talaga namang natatangi. Magkakaiba man ang colleges, iisa pa rin naman ang hangad nito. Ang mapabuti ang bawat estudyanti, hindi lamang mapabuti, ngunit umabot pa sa mga nakakaangat sa lahat ng larangan. Ang bawat building ng mga colleges na ito ay may magagandang silid-aralan na kung saan siguradong kumportable ang bawat estudyanti na pumapasok dito. Wala ka ng negatibong masasabi sa pathway, pintura, at mga imprastraktura ng bawat mga gusali dahil talaga namang nagsisigandahan at matitibay ang mga ito. Sa bawat daanan sa loob ng institusyon ay malilinis. Ang gym nito ay maaaring tawagin na little Araneta.

Ang siguridad ng institusyong ito ay sigurado talaga. May mga guwardya na nakabantay lage sa gate upang todo check sa bawat tao na pumapasok sa institusyon upang siguradohin na wala silang dalang matutulis o nakakasakit. Napakamagalangin din nila sa kahit na sino, nagtatrabaho man rito o estudyanti  o maging dayo lamang. Nagsikalat sila sa bawat sulok ng institusyon o colleges upang siguraduhin na walang kasamaan na mangyayari lalo na kapag gabi. Animo`y kay laki-laki ng daan na nakaantabay pa sila sa daanan na parang mga traffic enforcers. May mga pedestrial line din sa bawat daan upang may matawiran ang bawat tao sa kampus. Alerto sila lage sa mga iba`t ibang lugar ng institusyong ito.

May mga organisasyon sa institusyong ito tulad na lamang ng IPAG, KALIMULAN, OCTAVA at marami pang iba. Dito nila ginagawang aktibo ang bawat estudyante, sa larangan man ng kanta, sayaw, sports at drama. Ang mga organisasyong ito ay nagbibigay ng mga scholarship para sa bawat miyembro nito, na talagang kinatutuwa ng bawat mga miyembro. Kaya naman sobrang mahuhusay ang mga miyembro nito.

Ang mga nabanggit ay hindi lamang salita. kung gusto o nais mong maranasan ito o ng iyong mahal na anak. Pinapayuhan kitang pasubukin mo ang iyong anak rito. Malay mo, maging isa sa masuswerting estudyanti na makaranas ng ganitong “Institute Fever”. At kung sakaling maging isa ka o ang iyong anak, ay maging graduate ng institusyong ito, taas noo mong sabihin sa bawat makasalamuha mo na isa kang “IIT graduate”. Dahil ang institusyong ito ay hindi lamang nagtataglay ng graduates namagagaling kundi mga graduate na natatangi at produktibong naglilingkod sa Pilipinas at sabuong mundo.

Ipinasa ni:
    Solaiman M. Casser  

                                                      

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento