Isang Silip
sa MSU-IIT
Ang Mindanao State
University Institute of Techonology o mas kilala sa tawag na MSU-IIT ay isa sa
mga bantog na unibersidad dito sa Pilipinas. At ang pagpasok sa unibersidad na
ito ay isang napakalaking karangalan sa mga mag-aaral dito. Hindi lamang kilala
ang paaralang ito sa magagaling at matatalinong estudyanteng nag-aaral dito
kundi pati rin sa paggawa ng mga estudyate na masasabi mo talagang
maipaglalaban mo sa mga pinakamagagaling. Ngunit ang pag pagpasok sa paaralang
ito ay may kaakibat ding responsibilidad na dapat mong pagkakatandaan. Halika
at pasukin natin ang mundo ng MSU-IIT.
Ang mga offered courses ng
MSU-IIT ay nahahati sa walong pangunahing colleges. Ito ay ang College of Arts
and Social Sciences o CASS, College of Business Administration and Accountancy
o CBAA, College of Education o CED, College of Engineering o COE, College of
Science and Mathematics o CSM, School of Computer Studies o SCS, School of
Engineering Technology o SET, at ang College of Nursing o CON. Ang bawat
colleges ay may isang dekano. Habang ang unibersidad ay may nag-iisang
chancellor at ito ay si Dr. Sukarno D. Tanggol. Ang MSU-IIT ay kilala
rin sa mga gradong "smiling singko" o ang mga bagsak na grado. Ang
mga gradong ito ay mas pamilyar sa mga estudyanteng kumukuha ng asignaturang
Matimatika at Science. Ngunit hindi ka naman makakakuha ng gradong ito kung mag-aaral
ka lang ng mabuti, di ba? Mapapansin din natin ang mga anyo ng mga estudyante
kung ano ang kanilang kurso. Kung nakaputi lahat, nursing student yan. Kung may
pagkasosyal naman taga-CASS o CBAA yan. At kung may pagkanerd naman ay taga-COE
o CSM yan. Mas marami kapang mapapansin kung ikaw na mismo ay nag-aaral na rito.
Hindi rin mawawala ang mga profesor na sinasabi nilang "terror" dahil
ito ay istrikto at maliit mamigay ng grado. Siyempre naman, sino ba namang guro
ang hindi ka bibigyan ng maliit na grado kung sasabihan mong terror siya? Ang
totoo niyan ay mataas lang talaga ang ipinapakitang istandard ng mga gurong ito
upang makahanap ng karapatdapat na mag-aaral na magkakamit ng mataas na grado
at kung pwede pa nga ay uno. Pagdating naman sa peace and order ng unibersidad
ay nandiyan ang mga gwardiya na walang sawang nagbabantay sa buong kampus.
At sa kalinisan naman nandiyan ang mga janitor. Siyempre ang kalinisan ng
kampus ay unang nakasalalay sa mga mag-aaral at sa totoo lang ay malinis talaga
ang kampus dahil sa disiplinado ang mga mag-aaral sa pagtatapon ng mga basura.
Ngayon naman ay pumunta naman tayo sa akademiks. Ang isang term ay may tatlong
pangunahing pagsusulit. Ito ay ang prelim exam, ang midterm exam, at siyempre
ang final exam. Sa isang taon ay may tatlong term isa na rito ang summer term.
Sabi nila marami talaga ang nahihirapan pagdating sa akademiks lalong-lalo na
kapag Matimatika at Science na ang pag-uusapan. Pagdating na sa mga
exam, sabi nila ay pangtanggal utak daw talaga sa hirap. At ang pinakasikat na
linya ng mga estudyanteng "there's no sweat, just blood" na
nangangahulugang hindi ka nga pagpapawisan ngunit dudugo ang ilong mo sa hirap
ay talagang sikat. Ngunit hindi naman talaga magiging ganito kahihinatnan kung
mag-aaral tayo ng mabuti. Kailangan lang natin ng disiplina sa sarili upang
makamit ang ating gustong makuha. Sino ba namang hindi gustong magtapos ng may
Latin honors pa? Ang tagumpay sa pag-aaral ay nasa kamay ng mga
estudyante kung ito ay kanilang pagbubutihin. Hindi lang dahil gusto nilang
grumaduate kaya sila nag-aaral kundi nag-aaral sila upang maging karapatdapat
na mag-aaral na nakapagtapos sa MSU-IIT. Hindi lang naman puro pag-aaral
sa MSU-IIT. Kung interisado kang sumali sa mga grupo ng mga mag-aaral ay may
marami kang mapagpipilian. Ang ilan sa mga kilalang student groups ay ang
International Performing Arts Guild o mas kilala sa tawag na IPAG ay
tumatanggap ng mga miyembrong magaling sumayaw, kumanta, at may karanasan sa
teatro. Nandiyan din ang Octava Choral Society kung ikaw ay magaling kumanta.
Ang Lions Cheerleading Squad kung ikaw ay may karanasan sa pagsali sa mga
cheerdances. At marami pang interisanteng mga programa. Ang IPAG at ang
Octava Choral Society ay ilan sa mga grupong nakapagtanghal na sa ibang bansa
at karapatdapat talagang ipagmalaki. Hindi din nating kailangang ipukos lahat
ng atensiyon natin sa pag-aaral siyempre ay dapat din tayong maglibang. At ito
ay mapupunan sa pagsali sa mga nasabing programa. Ang MSU-IIT ay hindi lang
naman isang paaralang nagpupukos lang sa pag-aaral ng mga mag-aaral kundi pati
rin sa kanilang kasiyahan at kabutihan. Kaya hindi kalang magaling sa pag-aaral
magaling magaling ka pa sa pakikisama sa iba. Sa MSU-IIT iyong kagalingan ay
kanilang hahasain upang iyong kinabukasan ay gaganda rin.
Ang MSU-IIT bilang isa sa
mga bantog na unibersidad sa bansa ay isang pampublikong unibersidad ngunit may
ilan paring pagsusulit upang makapasok, ay nagbibigay ng mataas na antas ng
edukasyon sa mababang halaga. Nakatipid ka pa magiging magaling ka pa. Hindi
man sa pagmamayabang ngunit ang MSU-IIT talaga ang maituturing nating
pinkabantog na paaralan dito sa Iligan City o kahit nga sa Mindanao. Pagdating
naman sa paghahanap ng trabaho, sabi nila iba talaga kapag graduate ng MSU-IIT
mas madaling makuha. Wala naman tayong magagawa kung mataas talaga ang
tingin ng mga establishimyento sa mga taga-MSU-IIT. Ang dapat lang nating gawin
ay maging karapatdapat upang hindi mapahiya. Hindi dapat lalaki ang ulo, maging
mapagkumbaba parati, at higit sa lahat ay matuto sa ating mga kamalian. Bawat
mag-aaral ay pangarap na makapasok sa bantog na paaralan na ito. At ito ay kaya
mong abutin kung ito ay iyong pagsisikapan. Walang sawang pag-aaral at huwag
kalimutang humingi ng tulong sa Panginoong Maykapal. Ang MSU-IIT ay isa
napakagandang paaralan. Hindi lang maipagmamalaki dito sa ating bansa kundi
pang world class talaga.
Ipinost ni: Unabia, Queena Blaire B.
BSE PHYSICS 1
BSE PHYSICS 1
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento