“PBB
MSU-IIT”
Maraming
naghahangad, maraming nangangarap, maraming nag-aasam makapasok lamang. Ano yan?
“PINOY BIG BROTHER”? Siguro.. dahil marami rin ang umaayaw at na-eevict sa maala
bahay ni kuya na ito dahil sa hindi matatawarang mga gawain.Ang kaibahan nga
lang ay walang libreng pagkain sa loob ng tahanan.Oops! bakit ko ba nasali
yun? Gutom na yata ako.But anyways,napatunayan ko talaga na kakaiba ang mga task
o gawain dito, bawat araw mo ay challenging, bawat araw mo ay so exciting! Sa
lugar na ito kailangan talaga ang masipag na tao . Aniya nga nila “No Sweat
Only Blood”. Omg! I need more blood,ang oa naman pakinggan.Sa kabilang banda, kung sino ang matatag,masinop,madunong,matalino,may tiwala sa sarili at
lalong-lalo na sa Maykapal ang siyang tatagal at makakatawid.At kapag
malampasan mo ang mga pagsubok dito makakatanggap ka ng humihigit-kumulang sa isang
milyong peso.Naganyak ba kayo na pumasok dito? Pero hindi naman talaga iyon ang punto dahil
ang talagang totoo ay higit pa rito ang matatanggap mo, isang kumikinang
na diploma na bunga ng mga sakripisyo.Oh diba! Swak na swak talaga.Ang sinasabi ko lang naman dito ay
naglalarawan sa isang Unibersidad, kuha mo? Marami na yata akung nasabi noh? Punta
na nga tayo sa major-major layunin ko sa pagsulat ng akda na ito.
M-magandang paaralan; S-siksik sa
kaalaman; U-utakan ang mag-aaral; I-inaasam ng karamihan; I-istandardisado ang pagtuturo; T-tiwala sa sarili ang kailangan.Bagay
ba? Naisip ko lang naman.Mindanao State University-Iligan Institute of Technology na matatagpuan sa Tibanga,Iligan City ang Unibersidad na aking tinutukoy .Ito ay isa sa mga pinakasikat na pamantasan hindi lamang sa Mindanao kundi pati na rin sa buong bansa.Ito ay pumapabilang sa mga
listahan ng pinakamagalingat istandardisadong Unibersidad sa Pilipinas dahil sa kalidad ng pagtuturo
rito.Ito ay tinagurian itomg ‘’Center of Excellence’’ at sa bawat Bar Examination ay palaging isa ito sa mga nagta-top ma paaralan sa buong bansa.Isa itong pampublikong paaralan
kung kaya’t maraming estudyante ang naghahangad na makapasok dito.Kahit na ilang kurso
pa ang kukunin mo hindi ka naman magsisi sa iyong gastos dahil ikaw ay magiging isang magandang produkto.Hindi rin naman masyadong magastos ang matrikula dito, kayang-kaya lang ng nanay at tatay dahil humigit tatlong libo lang naman
depende sa kursong iyong kukunin .Hindi lang ang kalidad ang nakabibilib dito kundi pati na rin ang kaayusan at kagandahan ng kapaligiran sa loob ng paaralan.
Maayos at nakakamanghang tingnan ang disenyo ng bawat gusali rito. Iba-iba ang
istruktura na nakakaakit sa mata ng masa.Ito ay may malawak na ektarya na
sapat sa mga tao na pumapasok dito.
Pagpasok mo pa lang, talagang magugulat ka sa iyong makikita lalong-lalo na sa mga gwardiya na nakakalat saan man sulok ng bulwagan na
animo’y si Juan at si Pedro ay siguradong hindi makatatakas dito.Sa loob ng unibersidad
makakakita ka rin ng mga ''pedestrian lane'' na nagsisilbing tawiran ng mga tao
para makaiwas sa mga di inaasahang disgrasya. Sa bandang likuran ng paaralan ay may mga dormitoryo para sa mga gradwyet na kumukuha ng kanilang Masteral at mayroon
din para sa mga lalaking mag-aaral.Katabi
nito ang malawak na bakanteng lote na nagsisilbing palaruan ng mga estudyante.Hindi rin
mawawala ang mga ''court'' para sa mga panlabas na mga laro at lugar na pagsasanayan ng mga manlalaro sa ibat-ibang larangan.Pinapahalagahan rin ng
MSU-IIT ang oras, ika nga ‘’Time is Gold’’ kung
kaya’t nilagyan nila ng mga malalaking orasan ang paaralan na
talagang nakakatulong sa mag-aaral at mga guro.
Ang
unibersidad na ito ay binubuo ng College
of Education (CED), College of Engineering(COE), College of Science and
Mathematics(CSM), College of Nursing(CON), College of Business Administration
and Accountancy (CBAA),College of Arts and Social Sciences(CASS),School of Computer Studies(SCS),School of Engineering
Technology (SET) at ang Sekundaryang paaralan ng unibersidad, ito ang
Integrated Developmental School(IDS) na kabilang sa CED. Sa bawat kolehiyong ito ay may ibat-ibang
departamento na nag-aalok ng ibat-ibang mga espesyalisasyon. Pwede kang
makapili ng iyong gustong kurso na sa tingin mo ay sapat para sa iyong
kakayahan. Siyempre ang bawat kolehiyo ay pinamumunuan ng isang DEAN na may awtoridad na pamahalaan ang
pang-akademyang bagay .Mayroon din itong mga tagapagpaganap na konseho na
pinamumunuan ng mga estudyante at isang guro na tagapayo. Sila ang nagaayos ng
mga mahahalagang aktibidades sa kanilang kolehiyo.Sila ang mga mag-aaral na
pinili ng kapwa mag-aaral ng MSU-IIT na alam nila na may sapat na kaalaman at kakayahan sa pamumuno. Kung
pag-uusapan naman ang mga guro rito, hindi rin naman sila magpapatalo.Sila ay mga propesyunal at may sapat na kaalaman at karanasan sa pagtuturo.Hindi matatawaran
ang kanilang kakayahan at kagalingan.Respetado dahil sa mga kanya-kanyang nakamit na tagumpay sa iba't -ibang larangan.Ika nga ng mga estudyante, "pang-world class talaga" Sila ang nag-aayos
ng mga mahahalagang aktibidades sa kanilang kolehiyo.
Hindi
mawawala sa isang paaralan ang silid-aklatan kung kaya’t bawat kolehiyo ay mayroon
nito.Ngunit mayroon din pangunahing aklatan na matatagpuan sa harap ng
unibersidad.Puno ito ng mga iba't-ibang aklat at sanggunian na pinagkukunan ng
mga impormasyon kapag ikaw ay nagsasaliksik.Samantala, kung gusto mong makakuha
pa ng karagdagang impormasyon, pwede ka rin "mag-surf" sa internet dahil ang MSU-IIT ay
isang Wifi Zone,pero take note bawal ang mga social sites dito. Mariing ipinagbabawal ito para madisiplina na rin ang mga estudyante sa ganitong mga bagay at sa gayun ay hindi ito makadisturbo sa mga gawaing pampaaralan.
Ang
MSU-IIT ay mayroon ding ibat-ibang mga
organisasyon. Sa mga organisasyong ito ay ipinapakita ng mga estudyante ang
pagiging akibo sa mga gawain at
akibidades sa unibersidad.Siyempre kung
ikaw ay may tinatagong talento ay pwede kang mag-apply sa mga organisasyon.Hayan na ang IPAG, KALIMULAN,OCTAVA,ECHOES,SPF at marami pang iba na makakatulong sa
paghubog at pagpapabuti sa iyong kakayahan.
Gayunpaman
hindi lamang pang-akademya ang binibigyang pansin ng unibersidad pati na rin
ang kakayahan ng mga estudyante sa paglalaro.Kada taon idinararaos sa paaralan
na ito ang “PALAKASAN” o intramurals.Binibigyan ng pagkakataon ng mga opisyales ng unibersidad ang
bawat mag-aaral na magpamalas nang kani-kaniyang kakayahan at talento.Naglalaban-laban
ang CED phoenix, COE dragons, CSM lynx, CBAA griffins, CON sharks, SCS wolves,
CASS arachnids at SET tigers sa ibat-ibang larangan ng paglalaro.
Kamangha-mangha
talaga ang unibersidad na ito.Kapag andito ka sa loob, talagang mag-iiba ang iyong buhay
paglabas .Higit pa sa sa pagpasok sa isang reality show.Marami kang matututunan
at mahuhubog pa ang iyong kakayahan.Samakatuwid, pwede mong ibahagi ang iyong kaalaman sa ibang tao.Hay naku! Marami na pala akong na kwento sa
inyo.Sa tingin ninyo, pwede kaya ako sa PBB? Muli na kasing magbubukas ang bahay ni kuya,malay mo
makatsamba.
ipinasa ni :
Tandogon , Jane Marie M.
BSE-PHYSICS
B8-4
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento