BAKIT AKO NANDITO SA MSU-IIT?
Ikaw
ba’y katulad ko noon? Nahihirapang pumili ng eskwelahang mapapasukan sa
kolehiyo? Kung saan pinakamainam mag-aral? Puwes payo ko sa iyo maging
praktikal at maging wais sa pagpili nito, ang dami kasing nagrerekomenda sa iyo
kung saan ka pwedeng pumasok. At ako, sa awa ng panginoon ay nakapasa at
nakapasok sa isang kilalang unibersidad at masasabi kung maipagmamalaki ko ito.
Ang
unibersidad na ito ay ang Mindanao State University-Iligan Institute of
Technology o mas kilala sa acronym na MSU-IIT. Ito ay makikita sa Bonifacio
Avenue, Tibanga, Iligan City, 9200 Philippines, samakatuwid madali lang itong
matuntun at matandaan dahil ito ay isang sikat na unibersidad sa lungsod ng
Iligan. Ang unibersidad na ito ay binubuo ng walong magkakaibang mga kolehiyo;
ang College of Education, College of Engineering, College of Science and
Mathematics, College of Arts and Social Sciences, College of Nursing, College
of Business Administration and Accountancy, School of Engineering Technology at
ang School of Computer Studies. May kaunting pahiwatig ako sa inyo tungkol sa
mga kolehiyong ito ng unibersidad. Una, ang College of Education o mas kilalang
CED Phoenix, ito ay tinatawag ding “Home of the Champion” dahil sa maraming
beses na itong nanalo bilang “over all champion” sa mga aktibidades ng
unibersidad. Maganda ang pagsasanay rito sa mga magiging guro sa hinaharap kaya
siguradong angkop ang mga estudyante dito. Dito naman tayo sa College of
Engineering o mas kilalang COE Dragons, diito nananatili ang mga magigiting na
mga estudyante, limang taon kaya ang mga kurso dito pero kaya yan ng isang
Iitians. Sa College of Science and Mathematics naman na mas kilalang CSM Lynx,
dito nananatili ang mga magigiting na estudyante na matalino sa matematika at sensya.
Sa College of Arts and Social Sciences naman tayo tumungo na mas kilalang CASS
Archaids na tinatawag ding “Home of the Achievers”. Ang kolehiyong ito ay may
malaking bilang ng mga estudyante at ito rin ang stambayan ng mga estudyanteng
walang klase o naghihintay ng kanilang klase. Sa College of Nursing o mas
kilalang CON Sharks, bago pa lamang ang kolehiyong ito pero mataas na
pamantayan dito. Dito naman sa College of Business Administration and
Accountancy o mas kilalang CBAA Griffins, maliit pa lamang ang kolehiyong ito
pero masasabi kong angkop ang mga nag-aaral dito sa kani-kanilang kurso. Ang
School of Engineering Technologies naman na mas kilalang SET Tigers, ito ay nag
aalok ng mga kursong engineering na dalawa o tatlong taon lamang, magigiting
rin ang mga estudyante rito. Ang pinakahuli ay ang School of Computer Studies
na mas kilalang SCS Wolves, in demand ang mga kursong inaalok nila rito na may
dalawa o tatlong taon lamang at may makukuha kanang sertipiko at pwede ka nang
maka abroad. Sa kabuuan maganda ang pagpapalakad ng mga kolehiyo sa kanilang
mga patakaran at napapangalagaan nilang mabuti ang kanilang mga estudyante.
Ito
ang unibersidad na mapagkakatiwalaan mo, siguradong pasok ka na sa trabaho kung
nakapagtapos ka sa unibersidad na ito. Ika nga nila kapag iitians ka, uunahin
ka nila kapagnag-aaply ka sa isang trabaho. May kalidad kasi ang pagtuturo
dito, magaling magturo at matatalino ang mga guro at mga propesor dito at ang
katalinuhan nila ay nakakaimpluwensya sa mga estudyante kaya’t matalino rin ang
mga estudyante dito. Matatalino naman talaga sila, iilan lang kaya ang may
tsansang nakapasok at nakapasa dito sa MSU-IIT. Pero ika nga nila, swerte swerte
lang daw yung sa iba sa IIT at totoo naman base sa aking na obserbahan at na
kita narin. Hindi naman lahat na nag-aaral sa IIT ay sobrang matalino talaga, ang
iba ay hindi rin, Nagiging mas tumalino o nagiging matalino sila nang pumasok
na sila ng IIT kasi kapag iitians ka, dapat mag-aral ka talagang mabuti at naghihikayat
ang mag estudyante dito na mag-aaral ng mabuti .Hindi naman malungkot lahat ang
hindi nakakapasa o di pumasa, nagsilbi itoing pagsubok para sa kanila, sabi nga
”kung di umubra sa una, bakit di sa pangalawa?” Subok ka lang ng subok,makukuha
mo rin kung anong gusto mo pero siguradohin mo lang na may natutunan ka sa una mong pagsubok. Maganda rito sa IIT,
madedevelop talaga ang mga kakayanan ng mga estudyante at siguradong may
makukuha kang aral. Makakakuha ka ng mataas na grado kung magsisikap ka, hindi
naman kuripot ang mga guro dito, sa katunayan nga ang bait bait nila, sumasabay
sa aming mga tawa at minsan sila rin amg nagpapatawa, minsan din ay nagpapayo
sila at sigurado sila na karapatdapat yung estudyante sa gradong kanilang
ibibigay at hanggat kanilang makakaya ay pinipilit nila na walang hindi
makapasa sa kanilang mga estudyante. Depende
na yun sa iyo kung anong klase kang estudyante. Sa katunayan nga ay marami ng
mga estudyanteng naging matagumpay rito, matagumpay na businessman, abogado, doktor,
guro, inhinyero at iba pa. May pahabol pa, nangunguna ang mga estudyante rito
sa mga board exam, o san pa kayo nyan! Kung pasilidad lang ang pag-uusapan,
kompleto ito sa mga pasilidad at nagagamit ito ng mga estudyante. High
technology na kasi ngayon, sa kabila ng pagiging high tech ay nagagamit naman
ng maayos ang mga pasilidad dito. Isa lang itong pampublikong paaralan pero
kung sa pagiging most performing school di lamang sa Mindanao pati Pilipinas at
Asya ay mas nalalampasan pa nito ang mga pribadong paaralan kaya huwag na huwag
ninyong maliitin ang unibersidad na ito. Maliit lang ang tuition fee rito na
kaya lang ng bulsa at pwede ka ding makalibre ng tuition fee kung makakapasa ka
sa mga scholarship na kanilang inaalok at inilulunsad gaya ng free tuition sa
mga High School Valedictorian at Salutatorian, Department of Science at
Technology (DOST), CHED at marami pang iba, samakatuwid ay isa na ako na nagpalang maging iskolar sa unibersiadad
na ito.
Kung
sa mga aktibidades naman ay sulit na sulit pa rin. Ang pinakamasayang
selebrasyon ditto sa MSU-IIT na ginaganap taon-taon ay ang Palakasan. Lahat ng
mga kolehiyo ay sumasali sa selebrasyong ito. May Palakasan ding ginaganap
taon-taon sa bawat kolehiyo. Kung meron kang talento sa pagsasayaw, pagkanta,
pagdrama at kung anu pa, pwede kang sumali sa iba’t ibang society o varsity
upang mapaunlad pa ng mabuti ang iyong mga talento. Ang unibersidad na ito ay
may Octava Choral Society, Integrated Performing Arts Guild (IPAG), Echoes,
Kalamulan at mga varsity sa basketball, volleyball, fresbee, debate varsity at
marami pang iba, malilito ka talaga kung saan ka pwedeng sumali. Naghihikayat kasi
ang unibersidad na ito na ipakita ang iyong natatanging talento at kagalingan
at palawakin pa ito, kung magaling sa isports o academics ay hihikayatin ka
nila at patuloy na susuportahan. Ganyan ka astig ang MSU-IIT!!!
Kapag
nag-aaral ka sa MSU-IIT, may matutunan ka na at mag-eenjoy ka pa, “enjoy your
life when you’re still alive” ika nga. At kaya ako nandito sa unibersidad na
ito dahil ito ang pinili kung landas, kung saan ako siguradong may makukuhang
aral di lamang sa aming mga asignatura pati na rin sa leksyon ng buhay, kung
saan ako makakakilala ng mga totoo at masasayahing mga kaibigan at kung saan
may mga guro akong madaling malalapitan na makakapaggabay sa aking daan na
tatahakin, yan po ang dahilan kung bakit ako narito at hindi ko pinagsisihan at
hindi ako magsisisi kung bakit ako narito sa unibersidad na ito. Kaya kung
nagdadalawang isip ka pa, sana alam mo na kung saan ka papasok, dito na dibah?

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento