Maraming
nagsasabi na isang kailangan para makapaghanap ng magandang trabaho sa
hinaharap ay kailangan na tumapos ka sa isang paaralan na mataas ang pagtingin
ng mga tao. Isa sa mga paaralang
nabanggit ditto ay ang MSU-IIT o Mindanao State University Iligan Institute of
Technology. Makikita ang presteryosong paaralan na ito sa Iligan City Misamis
Oriental. Maraming nagsasabi na “SIK-SIK” ka daw pag nakapasok ka sa nasabing
paaralan, pero, pwede ka din namang makapasok sa IIT kahit hindi ka “SIK-SIK”,
o kasing genius ni Einstein o kahit hindi ka nakatapos sa Kolehiyo o Sekondarya, dahil…..palagi
namang bukas ang gate ng IIT para sa inyo. :p
Sa mga pag-aaral
ko sa IIT, marami akong narinig na mga sabi-sabi na marami na daw ang
namatay at nag suicide dito kagaya nalang ng kontobersyal na pagkamatay ng
isang estudyante sa nakaraang semester na tumalon sa overpass. Sabi nila dahil
daw hiniwalayan ng nobya, sabi din ng iba bumagsak sa Math17, at sabi naman ng
iba ay may tipak daw sa ulo. Anu ba to dapat kong I promote ang IIT tapos
nagsabi na ako ng kung ano-anung mga bagay. Balik sa aking pinagsasabi, pero
kahit maring mga negatibong storya ang maririnig sa loob ng campus maari din
namang magaganda at inspiring na storya na maririnig sa IIT. Kagaya nalang ng
ditto sa IIT, mababa ang matrikula na binabayaran ng mga estudyante lalo na
yung mga scholar ng DOST, CHED scholars, at iba-iba pang scholars dyan sa
tabi-tabi, kagaya ng Cosmopolitan, at St. Peters, pero joke rana xa!.baka mag
strong kayo ha?
Speaking of Scholars, marami talagang mga scholars ang
nag aaral dito sa IIT, kalimitan sa kanila ay makikita sa COE, o College of
Engineering at CSM o College of Science and Mathematics. Meron din namang
makikita sa ibat-ibang Colleges kagaya ng CED o College of Education kung saan
ako napabilang, SET, o School of Engineering Technology, CASS o College of Arts
and Social Sciences, SCS, School of Computer Studies, CBAA o College of
Business Administration and Accountancy at CON o College of Nursing.
Para mas lalo niyo pang malaman tungkul sa MSU-IIT,
ibabahagi ko sa inyo ang nalalaman ko ditto. Magsimula tayo sa COE Dragons, Ika
nga nila ito daw ay ang Home of the “SIK-SIK’S”
dahil hindi ka makakapag enroll dito kung ang SASE mo ay hindi bababa sa
100 points at alam niyo ba na dito lang sa MSU-IIT at UP Diliman ang makiita
niyo na paaralan dito sa Pilipinas na nag ooffer ng kursong Metallurgical
Engineering?! At hindi lng yan! Dito rin nangaling ang Top 2 at Top 4 na pumasa
sa Board Exam ng mga kumuha ng kursong Metallurgical Engineering?! Ang susunod
naman ay ang CSM Lynx, dito nag aaral ang mga Math Wizards ng IIT ang mga
Physicist, at Biologist at dito din sa building na ito makikita ang dalawang
Museo ng IIT Ang Museong pandagat, at Museong panlupa susunod naman ay ang CED
Phoenix, dito sa College na ito makikita ang mga pinaka ng paaralan, pinaka
maganda, pinaka gwapo kasama na ako mga crush ng Campus (palag ka?)pero joke
rana cya!!. Ang totoo ay ang CED ay ang
tahanan ng mga susunod na bayaning Bansa ang humuhubog sa atin ngayon, mula
pagkabata, at maging ano man ang natamo niyo sa buhay …at yun ay ang ating mga
GURO. Noong nakaraang araw ay ipinag diriwang ng mga IITianz ang World Teachers
Day para mapuri ang ating mga guro sa kabutihang ginawa nila sa atin. Alam niyo
ba na dito nangaling ang nag Top 4 sa LET noong mga nakaraang Buwan? Ganyan ka
“IMBA” ang mga taga CED! Susunod naman ang ang SET Tigers, ang mga nag aaral
dito ay tataposng kanilang napiling kurso ng 3 taon at makakatanggap ng Diploma
at pwede ng mag proceed sa Engineering Proper. Hindi niyo sigurong masyadong na
intindihan ang sinabi ko. Sa madaling salita dito nag aaral ang mga etudyanteng
hindi naka abot sa cut-off ang kanilang SASE score. Pero kung mag papatuloy
sila sa Engineering proper ay 2 taon nalang ang kanilang gugugulin para makapag
tapos at grumadweyt.Ito din ay isang ladderized na programa ng IIT sa mga
gusting maging Enhenyero hindi ibig sabihin na bobo ang mga nag-aaral dito sa
makatuwid meron daw studyante dito na ang IQ ay Superior o Mala Einstein ang
talino kaya wag nyong ismolin ang mga nag aral dito. (kung genius ang mga taga
SET unsaon nalang tong mga naa sa COE? Very superior?). ang susunod ay ang CASS
Arachnids dito nag-aaral ang mga abogado ng IIT at mga Bachelor of Arts na kurso
kagaya ng AB Filipino, AB English, At AB Sociology. Dito din napupunta ang ang
mga estudyandte na mababa ang kanilang SASE score sa cutoff ng IIT, ito ay
kagaya sa SET na laderized, ito ay matatapos lng ng 2 taon. Ito ay hindi isang
kurso, kundi ito ay isang preperasyon para sa kanilang pag-aaral sa susunod na
mga taon tinatawag itong Gen. Ed o General Education. Ang susunod ko namang
ibabahagi sa inyo ay ang SCS wolves, dito namumugad ang mga DOTA addict at
Computer Hackers and Experts..joke!...actually ang SCS ang College na pinaka
luma sa loob ng Campus, pero hindi ito nag sasaad na luma din ang mga kakamitan
dito. Kamakailan lng iginuta di ang ICFC ito ay isang programa bg mga laro kung
saa pwede mong laruin ang mga games na bago nang napadaan ako doon ay na amazed
talaga ako sa ikita ko dahil mayroon akong nakita na naglalaro kung saan sila
mismo ang gumagalaw Wii daw ang tawag doon (napaka ignorante ko talaga) balik
sa aking tinatalakay.
Ang
susunod ay ang CBAA Griffins, ito din ay isa sa mga tinitingala, at lagging
pinag uusapan na College sa buong campus, dahil dito nakatira ang mga mga
future Economist na mag sasabi tama pa ba ang suplay na produkto sa ating
bansa. Dito din naninirahan ang mga grabi ka Ahh!! Na mga Accountant. Alam niyo
ba na kapag nag tatake ng board exam ang mga Accountant siguro isa lang ang
hindi papasa o di kayay wala..ganyan ka IMBA ang mga IITianz.
Ang
susunod naman ay ang pinakamaliit na College sa IIT ang CON A.K.A CON Sharks,
kahit maliit ang College na ito ay hindi nagsasabi na maliliit din ang mga utak
ng nakatira dito. Peki-on nalng na Top 1 ang IIt sa boung Mindanao at Top 9 sa
Buong Pilipinas. Kahit maliit ang College ang IIT at walang sariling Ospital,
kumpleto naman ang mga kagamitan ng mga mag-aaral dito kumpleto ang Laboratory,
Mga aklat na sinulat ng mga bangiitang manunulat, at High Tech na Class rooms.
Mu storya paka?
Ngayong
na tapos ko nang sabihin sa inyo ang pitong Colleges ng MSU-IIT, ngayong ay
bibigyan ka naman kayo ng impormasyon Tungkol sa IIT kung saan ito nag simula.
Ang IIT ay sangay ng MSU-Main sa Marawi City, meeron pang Ibat-ibang sangay ang
MSU-Main kabilang dito ang MSU-Naawan, Gen.San, Sulu, at iba pa. Pero sa lahat
ng sanga ng MSU ang IIT ang pinaka popular dahil ito lang naman ang pang pito
sa buong paaralan at pang 67 sa buong Asya. Ganyan ka powerful mag aral ang mga
IITiaz. Hindi lang yan kung ikaw ay grumaduate sa IIT siguradong pasok ka
kaagad sa trabaho dahil pangalan pa lang ay sikat na.!
Siguro
ngayon ay manghang mangha na kayo sa MSU-IIT. Ngayon naman ay bibigyan ko kayo
nga mga organisasyon kung saan kayo nababagay. Kung magaling kayong kumanta
siguradong pasok kana sa OCTAVA. Ang OCTAVA ay Isang grupo ng mga piling mag
await sa IIT at sila din ang kumakatawan sa IIT kung meron man silang mga
sasalihang Choral contest. Kung Hilig mo naman maging isang cheerleader,
Siguradong sa LIONS ka mag papa register, ito din ang kumakatawan sa IIT Kung
sasali sila National Cheerleading Competition, ngayong susunod na buwan nga ay
sasali sila sa RCC o Regional Cheerleading Competition at kung ilalapapalarin
ay sila ang mag rerepresenta sa Region X sa NCC. Kung hilig mo naman ang Folk
Dance o Mindanaoan Dance, sa KALIMULAN ka pumasok. Ang kalimulan ay kilala sa
boung Mindanao dahil sa angkin nilang galing sa pagsayaw. Kung type mo namang
magsulat lng Balita, Sports, Feature, sa SILAHIS kana mag punta!, ang silahis
ay ang Official News Paper ng IIT at tumanggap na rin ng sarisaring parangal.
Ngunit itong Silahis ay may kapaatid na pahayagan tinawag itong SALBAHIS, ito
ay mala joke form ang dating pero mag mensahe din. Marami ang pinatatamaan mapa
Proffesor, studyante, o kahit Janitor at Guard di papalampasin sa ngalan lng ng
pang eechhos… Itong susunod na Gurpo ay kilala sa kahusayan nila sa pag tatahal
sa theatro sila din ay kilala na sa buong bansa sila ang grupong IPAG. Marami
na talaga silang competisyong naipanalo saan mang sulok ng mundo kaya sila
naging kilala.
Siguro
ngayon nayon interesado ka na talagang lumipat dito sa IIT, at kung ikaw ay
papasok pa lang sa Kolehiyo, siguradong atat-na-atat kanang tumapos ng iyong
High School? Kung ganyan man at gusto mong lumipat dito, huwag kanang mag
alinlangan dahil ang iyong trascript of records lang ang iyong kailangan para
makapag aral ka dito. At Kung ikaw ay freshmen pa lang, kailangan mo lang mag
ng SASE o College Entrance Test para makapasok ka dito. Pero babala..Yung mga
nakasanayan mo na gawi noung High School ka pa lang, yung pag lalakwatsa, nag
Cu-cutting classes, yung pag hindi pagpasa ng assignments o projects ay
kailangan mo na iyang baguhin para hindi ka magaya sa ibang mga studyante na
“maylag sa sinugdanan”. Kaya what are you waiting for? Enroll now at MSU-IIT
for a better future. At sisiguraduhin ng Administrasyon ng IIT na magtatapos kayo
na “IMBA” sa institusyong ito.
Ni. Kyle Harvey Sarsaba Soronio
BSE-Physics
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento