Ang Nagniningning na MSU-IIT
Naghahanap
ka ba ng mura, istandardisado at dekalidad na paaralan sa kolehiyo? Namomroblema
ng paaralan sa kolehiyo dahil sa kakulangan sa pera? Isa lang ang solusyon
niyan.
Sa panahon ngayon, kadalasan ang mga paaralan
lalong lalo na pagdating sa kolehiyo ay talagang magastos, malaki na ang bayarin sa tuition. Kung sa high school ay
masasabi nating magastos din dahil maraming prajek at may mga pananaliksik na
ibinibigay na titser, mas pa sa kolehiyo kaya nga karamihan dahil sa kahirapan
ng pamilya ay hindi na nila naipadala ang kanilang mga anak sa kolehiyo at
ipinapatrabaho na agad. Ngunit anong
klaseng trabaho? Kadalasan ay katulong lamang at kargador basta lang ay
makatulong sila sa kanilang mga magulang. Kaya nandito ang solusyon sa
problemang iyan. Subukan mo ang Mindanao State University @ Iligan Institute of Technology na
matatagpuan sa Tibanga, Iligan City ang syudad sa Lanao del Norte. Mura ang
tuition, abot-kaya, may mataas na istandard at dekalidad pa. Saan ka pa
makakita ng ganitong klaseng paaralan sa Mindanao? Basta makapasa ka lang ng
entrance exam, gamitin mo lang utak mo huwag baliwalain ang pag-aaral sa high
school, mababa pa nga cut-off skur nila alam kung kaya ninyo yan.
Bayad ng Edukasyon
Engineering,
Arts and Social Sciences, Science and Math, Business and Accountancy,
Education, Computer Studies
|
P
3,500.00
|
Engineering
Technology, General Education
|
P
4,800.00
|
BS
Courses in Engineering Technology
|
P
6,500.00
|
2-yr.
ladderized programs in Engineeering Technology
|
P
7,500.00
|
Nursing
|
P
8,500.00
|
Hotel
and Restaurant Management
|
P
9,500.00
|
Foreign
Students:
Resident
Non-resident
|
$250.00+tuition
& ibang bayarin
$500.00+tuition
& ibang bayarin
|
Alam mo bang may magagandang kursong kanilang inihahandog.
I-search lang nag website na ito www.msuiit.edu.ph at maging updated para
malaman ang mga kursong naririto.
Ang MSU-IIT ay ibanabahagi sa walong kolehiyo;
v College
of Education (CED)- ang mga kurso para pangguro nalalakip sa kolehiyong ito ang
mga HRM
v College of Arts and Social Sciences (CASS)
v College of Engineering (COE)
v College
of Nursing (CON)
v College
of Science and Mathematics (CSM)
v College
of Business and Accountancy (CBAA)
v School of Engineering Technology (SET)- dito
ang mga kursong engineering na tatlong taong kurso lamang, mga Diplomang kurso.
v School
of Computer Studies (SCS)
Ang
bawat kolehiyo ay may kanya-kanyang laybrari na may computer na kung saan pwede
kayong magreserts at mag-aral syempre. Meron ding meyn na laybrari at bukas sa
lahat. Halos lahat din ay may ampitheater kung saan itatanghal ang mga seminars
at mitings, seminar o kaya’y symposiums. Halos lahat ng klasrum ay sementado at
aircon na rin ang wala naming aircon ay may mga ceiling fan. Kumpleto ang gamit
sa laboratory at ang bawat estudyante ay may kanya-kanyang “workbook” para din
a mahirapan pang magkokopya sa pisara. Kung magrereporting naman ay “hi-tech”
na rin, gagamit sila ng projector para hindi na mahirapan pa ang mga guro na
magsulat sa pisara at para na rin na tuloy tuloy ang pagleleksyun. Dito rin sa
paaralang ito matatagpuan ang pinakamalaking gymnasium sa buong Iligan! Talaga
ngang isang modernong paaralan. May maganda ring paligid at napakalinis pa.
Hindi
lang rin basta basta dito ang mga guro, faculty at staffs. Hindi lang sila
gumradweyt sa mga ordinaryong paaralan kundi kadalasan ay nagmamasters degree
at nagPHD sa University of the Philippines ang iba’y sa Ateneo de Manila at ang
iba’y dito lang sa paaralang ito. At saka, ang paaralang ito ay ika-Top 7
ranking sa mga sikat, dekalidad, at “center of excellence” na paaralan sa buong
Pilipinas! Kung sasabihin mong dito ka nag-aaral sa hindi pagyayabang mataas
ang pagtingin nila sayo, oo. Masasabi nating may intelektwal na karunungan ang
mga estudyante dito. Mahirap ka man o mayaman basta may utak at may malawak na
kaisipan laging pasok. Hindi tinitingnan ang larangan mo sa buhay ngunit utak
lang ang sandata dito. May mga magagandang paaralan ngunit ang mahal naman,
kung hindi siguro ka super talino na halos nagkakandila na ang marka ay duon ka
pa magiging libre sa paaralan nila. May iskolarship rin dito na inihahandog;
CHED, DOST at iba pa. Kita mo? Mura na nga sulit pa di ba? Kapag gumradweyt ka
dito lagi kang tanggap sa trabaho lalo na kung gumradweyt kang isang cumlaude,
magna cumlaude o kaya’y suma cumlaude walang salawahan sa’n ka man pupunta
laging tanggap. At kung nagkahiraphirap ka man sa mga sabjek mo lalong-lalo na
sa Matematika ay may tuturyal klases ang inihandog sa paaralang ito na ang mga
myembro o nagtututor ay mga estudyante rin na talagang marunong sa maysabing
sabjek. Ito’y libre walang bayad. May kurso rin dito na malamang lang na mag
kolehiyo ang naghahandog gaya ng chemical engineering, metallurgical
engineering, at meron pang iba na hindi inioofer sa kadalasang paaralan sa
kolehiyo at kung meron man ay napakamahal at halos hindi na talaga makakaya sa
bulsa ni mama at ni papa.
Akala
mo siguro nerd na ang mga estudyante dito no? Hindi rin nagpapahuli ang
paaralang ito. Hindi lang pag-aaral ang inaatupag ng mga estudyante dito. SA
MSU-IIT mo rin madedevelop ang iyong potensyal at talent sa sports, sining,
musika, pagsusulat, pagsasayaw at iba pa dahil ang MSU-IIT ay may sobra pa sa
animnapong organisasyon na inilaan nila. Parang “multi-purpose” na rin na paaralan, hindi lang matalino ngunit
may talento na rin at karakter. May
performing arts, komon dito ang Integrated Performing Arts Guild (IPAG) at
KALIMULAN na halos umaabot na sa ibang bansa para magperform; OCTAVA para sa
may talento sa pagkanta; Echoes Band, Clique; Debate Varsity na halos nakokompet
na nila ang buong Pilipinas, ang mga manananggol sa Bayan; Mindanao Creative
Writers Group ang mga manunulat ng Bayan, mga estudyanteng may habit sa
pagsulat; Sports Varsity, ang mga aktibong manlalaro sa iba’t ibang uri ng
sports; Lions Cheerleading Squad ang mga estudyanteng may talento sa pagsayaw;
at marami pang mga organisasyon na pwede mong sasalihan. May mga religious
group rin na nagtuturo tungkol sa Panginoon at sila ay mga adbayser na rin sa
atin na huwag tayong kawalan ng pag-asa. At halos nga kada buwan ay may
paligsahan na isinagawa sa paaralang ito.
Sa
MSU-IIT hindi ka talaga magsisi. Kung hindi ka man nakakapasa sa entrance exam
dito pwede ka pa ring mag-enroll at kukuha ka ng General Education sa loob ng
dalawang taon at pwede ka ng makakakuha ng mga Bachelor of Science kurses at
siguarduhin mong papasa ka. Syempre dapat di mo lang paglaruan ang pag-aaral mo
lalo na kapag nasa kolehiyo tayo Na sa siyudad na nga napakamura na at
istandardisado pa. Sabi pa nga ito ay “isang institusyon na may karunungan sa
pamantayang pandaigdig”. Sa kahirapan
pwedeng umahon sa murang edukasyon lamang, diskubrehin ang totoong ikaw huwag
mawalan ng pag-asa. Ang MSU-IIT ay syang daan tungo sa magandang kinabukasan! Ikaw
at ang edukasyon mo ang solusyon para sa kaunlaran ng bayan. Kung taga IIT ka
laging handa laging sigurado may posibilidad para kinabukasan mo ay aasenho.
Hali ka na. Mag-enroll na!
-by:
Nanan B. Dadole,
BSE-Physics
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento