Lunes, Oktubre 10, 2011

Mindanao State University-Iligan Institute of Technology: Larawan Ng Pangarap At Pag-asa.-janine ann pangandian



Mindanao State University-Iligan Institute of Technology:
Larawan Ng Pangarap At Pag-asa.

Dugo, pawis, luha, tiyaga at halos lahat ng uri ng pagbabanat ng buto ay ilan lamang sa mga bagay-bagay na inaalay ng mga magulang para mapag-aral lamang ang kanilang mga anak. Kahit pangungutang at pagsasangla ng mga gamit ay gagawin makabayad lamang sa tuition, ganyan kalaki ang kanyang isakripisyo ng mga ina at ama maisakatuparan lamang ang kanilang pangarap na makatapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak kahit gaano kahirap. Ang pag-aaral ay talagang magastos, pero paano kung hindi kayang tuspusan ng mga magulang ang inyong pag-aaral? May kasabihan pa nga na,” Edukasyon ang sagot sa kahirapan”. Pero paano kung hindi ka nakapagtapos ng pag-aaral, paano na ang kinabukasan mo?
Sa mga may kaya naman sa buhay, na kahit anong mamahaling paaralan ay kayang pasukan, anong klasing pamantasan ba ang iyong dapat pasukan upang hindi naman masayang ang iyong pera? Hindi naman siguro kailangan pang mag-aral sa mamahalin, malalayo at malalaking unibersidad kung ang hinahanap mo ay ang may kalidad na pagpapasukan.
Ang MSU-ITT ay ang sagot sa pag-aaral ng mahihirap man o mayayaman. Hindi sinusukat ng Universidad na ito ang kung sa anong ng kalatayuan sa buhay meron ang isang studyante. Hindi din pinagtutuunan ng pansin nito sa kung saang probinsya at paaralan kapa nanggaling, tinatanggap ka ng pamantasaang isang basta’t ikaw ay pursigido, may disiplina at higit sa lahat masipag mag-aral. Kaya hindi na kailangan pang pumasok sa mga Universidad na pagkamahalmahal “because this Institute is standard enough for your better study”. Ito ay pampublikong paaralan kaya siguradong pinitingnan talaga ang kalidad ng mga studyante, para naman maihanda sila sa totoong hamon ng studyante. Kung ikukumpara ito sa ibang mamahaling paaralan gaya ng Ateneo University, Santo Tomas University at Siliman University na kilala sa lahat ay hindi rin nagkakalayo. Kahit pa nga ang University of the Philippines na kilala sa lahat ay halos ka level din nito.
Ako ay studyante ngayon ng IIT, first semester ko palang ngayon at naramdaman ko na talaga ang tunay na responsibilidad ng pagiging studyante. Oo nga’t hindi madali pero ganun naman talaga siguro. Naalala ko noong unang araw kong pumasok sa klase, nanginginig  talaga ako sa kaba lalo nong nalaman ko na magna cumlaude pa yong professor namin, nalaman ko din na halos lahat ng “faculty” ay may natapos na mga “degree in masteral and doctoral” at ang iba pa sa kanila ay natapos pa nila sa ibang bansa. kaya talagang namangha ako. Kaya pala hindi na nakapagtataka na hindi basta-basta ang mga-aral dito dahil hindi rin kasi basta-basta ang mga guro. May iba’t-ibang kolehiyo para sa ba’t-ibang uri ng kurso, kaya nakapagsisigurado na mabibigyang pansin talaga ng mga guro ang mga studyante. At maraming scholarship din ang pwede maavail ng mga studyante. Pinag-iigihan ng bawat kolehiyo at departamento na mas mapahusay pa ang pagtuturo. Madalas ding may seminars ang mga faculty para naman laging “updated” sa mga bagong kaalaman ngayon.       
 Ganyan ka standard ang Mindanao State University-Iligan State University sa pagtuturo dahilan upang makamit ng pamansatan ang iba’t-ibang uri ng pagpapakilala sa kahusayan sa iba’t-ibang larangan kabilang na ang pagtuturo, business, sining, siyensya at matematika, nursing, engineering at marami pang iba.
Nakatanggap na din pala ng parangal ang MSU-IIT na galing sa Commission on Higher Education, Department of Science and Technology, Accrediting Agency for Chartered Colleges and Universities of the Philippines at iba pang mga ahensiya. Kahit pa nga mga international awards ay hindi rin pinalagpas ng pamantasan na naglalayon na maging world-class ito. Kaya nga maraming talagang mga estudyante na naging topnotcher sa mga pang-license na mga exams. Basi sa resulta ng LET (License Examinations for Teachers) ay isa sa mga estudyante ng College of Education ay nakakuha sa pang-anim na puwesto. Nag top 9 din ang IIT sa pinakamaraming IELTS passers ngayong taon. May nalaman din ako na may nag top one na pala sa board exam at sa chemical engineering pa, siya ay si. Edmark S. Isalina na ngayon ay nagtuturo sa mga engineering students. Hindi naman siguro ito magagawa nila kung hindi sila binigyan ng magandang edukasyon ng Universidad na ito para makamit nila ang mga parangal na ito.
At hindi nga nakapagtataka na nagawang mag top 6 ng MSU-IIT sa lahat ng mga unibersidad sa Pilipinas at patuloy sa itong rereproduce ng mga matatalinong estudyante.  
Hindi lang academics ang pinagtutuunan ng pansin ng “institute” na ito, pati rin ang paghuhubog sa mga estudyante na kilalanin ang multiculture na meron ng Mindanao. Hinihikayat ng mga guro ang mga estudyante na irespeto at bigyang halaga ang iba’t-ibang kultura dito sa atin.ibinabahagi pa nga sa iba’t-ibang panig ng mundo ang kamalayang sa kultura na itinatanghal pa ng mga cultural group presenters ng IIT tulad ng Octava Chorale Society, Kalimulan Cultural Dance at Integrated Performing Arts Guild. Kailan lang ay nagperform ang IPAG sa gymnasium ng IIT, at nakita ko talaga ang pang-world class na talents ng mga studyante. Nagawa nilang ipagsabay ang academics at paghubog at pagdevelop ng kanilang iba’t-ibang talento.  Kaya naman isang magandang pagkakataon narin na maipakita nila ang kanilang magagandang talent sa amin at may scholarship din na ibinibigay sa kanila.
Sa panahon natin ngayon ay talagang hindi tayo makakasigurado na makakuha kaagad tayo ng trabaho pagkatapos na makagraduate. Maraming nakakapagtapos ng pag-aaral na wala paring trabaho dahil ang ating bansa ngayon ay limitado na sa pagtatangap ng mga impleyado.Kaya naman kung mapapansin niyo ay marami sa mga kababayan nating Pilipino na nangibang bansa para makipagsapalaran , ang iba ay maswerteng nakapagtrabaho doon at nakapagpondo ng pera para sa pamilya ,yun nga lang ang iba  ay hindi pinalad at naabuso sa ibang bansa.
Pero kapag ikaw ay graduate ng pamantasang ito ay siguradong in demand ka sa mga trabaho.Alam kasi ng mga kompanya na ang mga nagtapos sa Institusyong ito ay magagaling at masisipag sa larangan ng trabaho. Masusuklian mo na ang paghihirap na ginawa ng iyong mga magulang. Eka nga, ang trabaho pa ang maghahanap sayo. Sa loob at labas ng ating bansa ay tinatanggap kaagad ang mga alumni sa pinag-aaplayan nilang trabaho. Talagang malaki ang tulong nito.

Kaya naman pangarap ko talagang makapagtapos ng pag-aaral sa Universidad na ito, marami kasing mag-aaral na gustong makapasok dito ay hindi nabigyang pagkakataon.Bilang isang estudyante ng unibersidad na ito gusto ko kayong hikayatin na mag-aral dito. Marami na ang nakipagsapalaran dito at umangat sa buhay, “pagsikap at determinasyon lang ang kailangan” sabi nila. Ang MSU-IIT kasi ay makapagbibigay ng magandang edukasyon para matupad ang ating pangarap at may malinaw at magandang hinaharap. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento