Sabado, Oktubre 8, 2011



Anong meron?



Hanap mo ba’y abot halagang pangarap? O di kaya’y acronym pa lang mapapatameme mo na ang iyong kausap? Ba’t di mo subukang hubugin ang iyong mga pangarap sa Mindanao State University – Iligan Institute of Techology o mas kilala bilang MSU-IIT na matatagpuan sa Andres Bonifacio Avenue, Tibanga, Iligan City, Lanao del Norte, Philippines.

Sino pa ba ang hindi mapatameme sa kolehiyong 'to? Center of Excellence sa Mathematics and Chemistry, Center of Development sa Physics and Biology, Center of Development for Excellence sa Information and Communication Technology, Center of Development sa Ceramics Engineering, Civil Engineering, Electrical Engineering, Electronics and Communications Engineering, Mechanical Engineering, at sa Material Science Engineering. Sila ang naging Zonal Research para rehiyon XII, IX at ARMM. Kinilala din sila bilang Information and Communication Technology Laearning Hub para sa Hilagan Mindanao at Virtual Center for Technology Innovation – Microelectronics base sa istandards ng Department of Science and Technology (DOST). Diba diyan pa lang siguradong sina eye bags, tigyawat at wrinkles ay sulit na sulit na.

May walong bigating colleges ang naturang institusyong na ito na tiyak patuk na patok sa mga lasa’t hilig ninyo ito. Gamit na gamit din ito sa paghahasa ng inyong mga sarili para sa hinaharap.

Hanap mo ba’y tirahan ng mga Palanca awardee at mga mahilig makipagsocial communication? Bakit di mo subukang pumutak at ibahagi ang malawak mong pagpapakahulugan sa mundo sa CASS o College of Arts and Social Science at baka ikaw ang susunod na Mr. Steven Prince Patrick C. Fernandez, ang tao sa likod ng magagandang obra ng Integrated Performing Art Guild(IPAG) na kilala sa buong mundo. Sakop ng naturang college na ito ang mga estudyanteng may passion sa larangan ng Pilosopiya, Ingles, Filipino, Psychology at Political Science.

Hilig mo ba’y magkumpuni ng kung anu-ano? At tatlong taon lang ay sure ball na sure ball ka nang makamandag na enhinyero ng MSU-IIT? May tinatawag na SET o School of Engineering Technology ang institusyon kung saan tatlong ere lang ay makakahanap ka na ng trabaho. Dito naninirahan ang kumukuha ng Civil Engineering Technology, Chemical Engineering Technology, Mechanical Engineering Technology, atbp.

Hilig mo ba’y ibahagi ang iyong mga kaalaman sa ibang tao, partikular sa mga estudyante? May sagot ang institusyon sa hilig mo ukol rito. Ito ang CED o College of Education. Alam mo bang nagnumber 1 ang CED among TOP performing schools sa Licensure Examination Teachers(LET) Elementary Level nationwide noong 2008? O diba sinong mapapahindi na magiging estudyanteng-guro sa nasabing college na ito? Pumili ka lang Bachelor of Secondary Education(BSEd) major in General Science, Biology, Chemistry, Physics at Mathematics ka ba o Bachelor of Elementary Education(BEEd) na major sa Science & Health at English, Bachelor of Physical Education(BPE) o di kaya’y Bachelor of Science in Hotel & Restaurant Management(BSHRM).

Hilig mo ba’y manggamot? Nandiyan naman ang CON o College of Nursing ng institusyon. Kung saan makikita ang mababasik na piranha ng IIT. Ang 5inches na libro’y sisiw lang yan sa kanila. Kaya naman hindi nakapagtataka kung bakit nagtop9 sila sa buong kapuluan.

Ang hilig mo ba’y hunt-tingin si x sa kapangyarihan ng ugat ni y? CSM o College of Science and Mathematics ata ang katapat mo. Handog nila’y kursong BS Mathematics, BS Physics, BS Chemistry, BS Biology major in Botany, Marine Biology, atbp. Dito mo malalaman ang totong tamis ng pagiging IITian. Sulit na sulit talaga ang tuition mo.

Hilig mo ba’y pagnenegosyo, calculator, pera, numero at kwentahin ang utang ng kapitbahay mo na may 33.4% interes? Ispelingin mo na ang CBAA o College of Business Administration and Accountancy at tsak makakaimpok ka talaga ng mga statihiya kung paano lalago ang iyong negosyo.

Hilig mo ba’y bumuo ng kakaibang mga engineering structures gaya ng ginagawa mo sa iyong City Ville? Hali na at ibahagi ito sa COE o College of Engineering. Umpisahan natin gawin ang balangkas mo na may katas IITian.
At hilig mo ba’y magDota o di kaya’y magTetris? Ba’t di mo subukang gumawa ng iyong sariling laro na DoTris, Dota na Tetris, sa tulong ng SCS o School of Computer Science kung saan.makikita mo ang mga anak ni Tatay James Gosling “Father of Java Programming Language”. O diba hanep? Dota na Tetris pa. Saan ka pa?
Mamili ka na sa walong colleges na ‘yan at na titiyak naming pangarap mo’y matutupad.
May na pupusuan ka na ba sa walong yaon? Wala pa? Bakit? Pera ba ka mo? Wala yan. Alam mo ba ang IIT ang may pinakamurang tuition fee sa buong lungsod ng Iligan? Oo, mura. Abot kaya.
Bayad ng Edukasyon
Engineering, Arts and Social Sciences, Science and Math, Business and Accountancy, Education, Computer Studies

P 3,500.00
Engineering Technology, General Education
P 4,800.00
BS Courses in Engineering Technology
P 6,500.00
2-yr. ladderized programs in Engineering Technology
P 7,500.00
Nursing
P 8,500.00
Hotel and Restaurant Management
P 9,500.00
Foreign Students:
      Resident
       Non-resident

$250.00+tuition & ibang bayarin
$500.00+tuition & ibang bayarin
Mura na, dekalidad pa. Sa halagang P 3,500.00ng tuition de-aircon na, may electric fan pa ang iyong mga classroom; malinis na kampus; kompletung kagamitan sa laboratory at silid-aklatan; at alertong security guards na napalibot sa bawat colleges kaya nakakasigurado kang kaligtasan mo sa loob ng IIT ay wapak.
Hindi lang kilala ang institusyong ito bilang mura pagdating sa tuition, kilala din ito bilang isang pinakabatang paaralang na nagta-TOP sa buong Pilipinas pagdating sa katalinuhan at sa pang-international na talento. Mga matatalino na, talented pa.
Gaya na lang ng IPAG na eka nga nila “A company whose world-acclaimed productions integrate the dance, music, and arts traditions of the South where it is based. A group who represented the Philippines in over 100 cities worldwide, and will continue to represent the country in coming world tours.” Kaya hindi na kapagtataka kung bakit ang rami ng parangal ang  nahakot ng organisasyong ito. Noong 2002, nakuha nilang ang grand prize sa Concourse de Chanson Internationaux, 13th International Folkloric Festival, port Sur Saone, France at ginawad silang bilang most awarded group.  Di ba bigatin? Mag-aral ka na kasi sa IIT.
Nandiyan rin ang Octava Choral Society. Doremi pa lang ng mga ito ay mapatameme ka na. Ang Octava Choral Society ay isang grupo ng mang-aawit kung saan inaawit nila ag iba’t ibang mga pambayang mga tugtog, mga ballad ng Filipino at mga napapanahong mga kanta. Hindi lang yan, sumasayaw at amaarte rin sila pero hindi pa rin nawawala ang kalidad ng boses. Kahit pa nga siguro ibitin mo yan sila patiwarik ay ala Mandrigal pa rin ang quality ng boses nila. Sabi pa nga ng mga ilang alumni na nakilala ko, “They are the most versatile choral group in Southern Philippines.”
Isali mo na rin diyan ang Lion Cheering Squad na umabot na sa Regional at ang Debate varsity ng IIT kung saan natalo niya ang mga mabibigating unibersidad ng Pilipinas gaya ng UP o University of the Philippines. Nandiyan rin ang Kalimulan, Echoes Band, school varsities, atbp.
Hindi lang academics at talent ng mga IITian ang hinahasa ng naturang institusyon. May mga religious organisyon din sa loob ng kampus. Kagaya na lamang ng MIMSA o MSU-IIT Muslim Student Association kung saan nagtititipun-tipon ang mga magkakapatid na muslim at tulung-tulong pinapatibay ang paniniwala kay Allah. May CWTS at ROCT rin na subjek ang bawat mag-aaral dito kung saan ipinapakita sa kanila kung anong klaseng mundo ang masasalamuha nila pagkatapos mag-aral dito. Dito mo rin mararamdaman na nalalapit ka na talagang mamatay. Este sa “real world” pala kung saan kinakailangan mo na talagang doblihin ang iyong kayod ng sa gayon ay may ipanggagatas ka, eka nga nila.
Ano pa ba ang hanap mo sa isang pamantasan? Ito na nga ata ang the one mo oh. Abot kayang pangmatrikula; may iba’t ibang academic programs; walang tinag na faculty force; mabula na research environment; maraming extension projects; tirahan ng mga dekalidad na alumni, topnotchers at award-winners; isa sa pinakamahusay na kolehiyo sa kapuluan at higit sa lahat kilala sa buong mundo. San ka pa?
Magtake ka na ng SASE. Ipasa ito. At natitiyak naming ang lahat ng punang nasa itaas ay tatatak at tatatak sa personalidad mo. Para sa mga karagdagang impormasyon bisitahin mo na lang ang official website ng IIT 
http://www.msuiit.edu.ph.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento