Miyerkules, Oktubre 12, 2011


EL UNIBERSIDAD

Lahat ng tao ay pumipili sa kanilang buhay. Di ko tuloy lubos maisip kung na saan na ako ngayon. Nasan ba ako? Ahh... Dito! Dito sa paaralang ito ako dinala ng aking sarili. Sariling pagsisikap ang nadala sakin rito. Bagamat sadyang napaka hirap maging istudyante rito. Lalo na kapag may isa kang guro na tinuturingan na "TERROR." Napa isip tuloy ako, napatanong sa sarili. Bakit ako narito? Bakit ba dito sa paaralan ako nageroll at nag-aral?
"Mindanao State University - Iligan Institute of Technology" ang pangalan ng akin paaralan pinapasukan. Nuong nasa sikundarya pa ako ang paaralang ito'y sadyang na paka pupular. Sabi nila sadyang mahirap na maka pasuk rito. Una dapat ay maipasa mo ang ADMISSION EXAM nila.Ito ay ang MSU-IIT SASE EXAM, dito rin nila tinitignan kung ano ang dapat mong kunin na kurso at dumidipende rin sila sa average grade mo sikundarya. Upangmakuha mo ang yung gustong kurso, dapat pagbutihan mo ang kanilang SASE EXAM. Sadyang na paka strikto nitong paaralan pero magkaganun man, ito naman ay may pang "WORLD CLASS" kalidad. Ito rin ay may murang tuition free, na kayang kaya ng mga magulang pag-aralin ang kanilang mga anak rito.Meron din silang mga "SCHOLARSHIPS OFFERS". Meron silang External Scholarships katulad ng Privately Funded Scholarships at Government-Funded Scholarships.Meron din Internal Scholarships na Academic Scholarships katulad MSU-SASE Top 20.
Ayun nga! Naka pasuk nga ako sa unibersidad na ito, sa kursong BSE-Physics. May iba't-ibang college department rito, ang college department ko ay College of Education (CED). Kung gusto mong maging guro ay dito ka lang lumapit at mag enroll. Hahaha... Ewan ko kung makit ba ako nandito, di kunaman typer maging guro.Nag babalak na nga akong mag shift next semister. College of Engineering (COE), kung type mo maging Engineering balang araw,dito mo makikita ang mga iba't ibang klasing kursong engineer. College of Arts and Social Sciences (CASS) ay tinuringan na home to the four, internationally acclaimed groups in Southern Philippines- the Integrated Performing Arts Guild, Kalimulan Cultural Dance Troupe, the Octava Choral Society and the Mindanao Creative Writers Guild. College of Business Administration and Accountancy (CBAA) ay ang departamentong para sa gusting maging successful businessman at CPA baling araw. College of Science and Mathematics (CSM), itong departamentong to ang itinalaga ng Commission of Higher Education (CHED) bilang isang Sentro ng kahusayan sa lahat ng apat na departamento ng College, na pinapangalanan ng Biology, Chemistry, Mathematics and Physics. Kung gusto mo naming gaging programmer at saka kung may hilig ka sa computer nariyaan ang School of Computer Studies (SCS). Dito sa departamentong ito hinahasa ang pagka dalubhasa sa computer. Di naman magpapahuli ang School of Engineering Technology (SET) na ang ispesialista ay ang tiknolohiya. Ang mga departamentong ito ay may ruon din dikalibring mga Professor at saka sapat na kagamita upang mahasa ang mga studyante sa kanilang kaalaman.
            “A world-class institution of higher learning renowned for its excellence in Science and Technology and for its commitment to the holistic development of the individual and society.” Yan ang MISSION ng MSU-IIT, diba ang taray, pang world class talaga!
            “To provide quality education for the industrial and socio-economic development of Mindanao with its diverse cultures through relevant programs in instruction, research, extension, and community involvement.” Yan naman ang VISSION, sinisiguro talga ng iskwelahan ito na nagbibigay sila ang kalidad na pagtuturo sa mga studyante.
Ang mga layunin naman ng MSU-IIT ay ang mga sumusunod:
·         To develop and implement training programs geared to meet the technical and skilled manpower requirements of the specific type, magnitude, and level of competence needed by existing and projected industries in Iligan City and its environs;
·         To initiate and undertake projects and studies which bear on the manpower needs, industrial growth of Iligan, and other development projects including those needed by specific industries;
·         To organize and implement, as needed by the community, academic programs for the development of the technical and professional manpower that will enhance and support the industrial growth of Iligan within the economic and social development plan for Mindanao.



      Meron ding maraming mga iba’t ibang mga activities rito, gaya ng ipinapatupad ng iba’t ibang organisasyon katulad ng KASAMA. Ang Kataas-taasang Sanggunian ng mga Mag-aaral o KASAMA ay ang plano para sa mga activities, karapatan ng studyante at iba pa.
     Ang sarap maging studyante rito, yun nga lang may kahirapan rin sa mga pagsusulit. Pero diba ang hanap mo naman ay magaral sa kalidad na skwelahan upang makalikum ng sapat na kaalaman. Kaya hali na kayo sa MSU-IIT!!!
     Tayo mag-aral at magsiya . . .




      
Alyasah M. Lipa


Martes, Oktubre 11, 2011

Barbie Jane Ano-os

Proud to be IITians

            Mindanao State University- Iligan Institute of Technology, paaralang kilalang-kilala sa Mindanao bilang isa sa mga unibersidad na magaling at matagumpay. Kabilang ito sa MSU system at matatagpuan ito sa A. Bonofacio Avenue, Tibanga, Iligan City.  Isa ako sa mga mag-aaral sa unibersidad na ito, at talagang hanga at proud ako sa galing ng MSU-IIT.

Sino ba naman ang hindi magiging proud kung isa ka sa mga estudyante ng MSU-IIT. Magandang edukasyon, delalidad na unibersidad at higit sa lahat, matatalino at magagaling na mga estudyante at mga propesor ng MSU-IIT. At kapag nakapagtapos ka sa unibersidad na ito, maraming opurtuninad at trabaho na maghihintay sayo. Pero bago ka makakapasok sa MSU-IIT kailangan mo ng kumuha ng SASE examination. At kung makakapasa, may ibibigay ang IIT ng listahan ng mga rekwaryments para ipapasa sa darating na enrollment. Kung hindi ka naman nakapasa ay huwag mag-alala dahil mayroong general education na handang tumanggap. An Gen. Ed ay isang proposal ng MSU-IIT para sa hindi SASE passers na gustong-gustong mag-aral sa institusyon. Kailangan muna nilang mag Gen. Ed ng dalawang taon para makakuha ng kani-kanilang gustong mga kurso.

            Napakaraming colleges ang nasa MSU-IIT. Kabilang dito ang CED o College of Education para sa gustong maging guro. Sa MSU-IIT ang kursong HRM ay nakapaloob sa CED. CSM o College of Science and Mathematics para sa gustong kumuha ng BS Math. BS Physics, at BS Biology. Para sa mga gustong kumuha ng mga business course, CBAA o College of Business Administration and Accountancy ang dapat pag-enrollan. Mayroon ding CASS o College of Arts and Social Sciences para sa gustong kumuha ng Law, AB English, AB Filipino, at iba pang kursong nakapaloob dito. CON o College of Nursing para sa gustong maging nurse kahitv marami ng nurse sa mundo, COE o College of Engeneering para sa gustong maging inhenyero. Mayroon ding mga eskwelahan sa MSU-IIT na pwedeng pasukan. Katulad ng SCS o School of Computer Studies at SET o School of Engeneering Technology. Ito ang eskweklahan na nag o-offer ng dalawa hanggang apat na taong mga kurso.

            Hindi makukumpleto ang IIT kung walang mga gropung makakahasa sa mga nakatagong talento ng mga estudyante nito. Maraming mga grupong pwedeng pasukan sa institusyong ito. Katulad ng IPAG o Integrated Performing Arts Guild at KALIMULAN, ito ang mga grupo na nagpapakita ng kanilang mga talento sa Cultural dances at Theatre. ECHOES at OCTAVA, ang mga grupong kumakanta sa IIT at LIONS na isang grupo na sumasayaw ng mga hiphop, popdance, cheerdance at iba pa. halos sa mga grupong ito ay nakapagtanghal na sa iba’t-ibang parte ng ating bansa at sa ibang bansa. Nagpapatunay lang ito na hindi lang matatalino ang taga MSU-IIT kundi mayroon din itong mga talentong maipapakita at maipapamalas sa buong mundo. May organisayon din dito na tinatawag na KASAMA o Kataas-taasang Sanggunian ng mga Mag-aaral kung saan miyembro ang lahat ng mga estudyante dito. Sa pamamgitan ng organisasyong ito, maririnig ang boses o mga hinaing ng mga mag-aaral. May nagaganap ding eleksyon dito, taon-taong pinapalitan ang mga namumuno ng KASAMA. Dito rin nahahasa ang galing ng pamumuno ng kung sino man ang maging presidente dito.

Masasabing all around ang galing ng mga estudyante sa institusyong ito. Makikita natin na sa establisyemento, facilities, mga guro o propesor, at mag-aaral talagang kay galing at matagumpay ang pag-angat ng MSU-IIT sa bansa.  Kaya hindi natin maiwawaglit sa ating mga sarili na we are proud to be IITians.


Tayo; Bilang Sangkap ng Pag-unlad ni"mots"


Tayo; Bilang Sangkap ng Pag-unlad
            Lahat ay ginawa ng Diyos na may dahilan, ni munting paruparu nga ay mayroon ding pakinabang, ano pa kaya tayong mga tao na may angking pag-iisip at kakayahan. Bilang mag-aaral sa institusyong ito, ano nga ba ang maaari nating maibahagi para sa mas ikauunlad pa ng MSU-IIT? Sapat na nga ba ang ating kakayahan, talino, at talinto para paunlarin ito? Mahigpit na bang nakabigkis ang mala-walis nating samahan upang ligpitin ang kakulangan at kamalian ng kasalukuyan para sa mas ikakatatag ng ating paaralan?
            Sa unang pagtungtong ko pa lamang sa Mindanao State University (MSU-IIT), nasabi ko na sa aking sarili na ditto na ako magtatapos ng kolehiyo, lalo pa ng nasaksihan ko na ang iba’t-ibang mga activity at programa sa paaralang ito. Halos nandito na ang lahat, ang seguridad ng mga tao dito, mga pasilidad, sapat na silid-aralan at mga resources, ni wala ka ng hahanapin pa. Ngunit isa sa mga nabatid kong kamalian ng MSU-IIT ay ang bayarin ng mga mag-aaral dito. Oo nga’t mura lang ang bayarin natin sa tuition fee ngunit halos hinatak naman ang ating bulsa pababa dahil sa bigat ng bayarin natin sa tinatawag ng ilan na other miscellaneous fee. Nagbabayad tayo para sa mga pasilidad ng paaralan ngunit hindi naman natin masyadong naeenjoy ang mga ito. Bakit hindi na lang nila babaan ang bayarin natin sa mga ito total napakarami naman ng mag-aaral sa MSU-IIT, kahit ilang kapirasong barya lang ay napakalaking bagay na para sa ating mag-aaral. Dinagdagan pa ng nakaambang panganib na maaaring maidulot ng isyu ng Budget Cut kapag naaprobahan na naglalayong babaan ang budget nating mga skular ng bayan. Huwag nating hayaang ipagkait nila ang benipisyong dapat ay para sa atin.
            Isa rin sa mga maaari pang ikauunlad ng MSU-IIT ay ang kakayahan natin na makipagsabayan sa ilan sa mga nangungunang kolehiyo sa hilagang bahagi ng bansa. Bakit hindi natin bibigyan ng pagkakataon ang pangalan ng ating paaralan na mairegister sa UUAP o kaya’y NCAA. Hindi dahil mas tanyag ang paaralan nila sa atin ay magpapahuli na lang tayo sa kanila. Nasaksihan natin noong kamakailan lang na Palakasan kung gaano kalapit sa puso ng mga IITians ang sports. Ang mala-kidlat na spike ni Hael Rapal sa larong volleyball, ang mala fast and furious na teamwork nina Manlunas at Dinorog sa larong basketbol, ay ilan lamang sa mga magagaling na manlalaro na maaari nating ipantapat sa UAAP o kaya’y NCAA. At kung cheerdance naman ang pag-uusapan, hindi rin magpapahuli ang ating Red Lions na todo bigay sa kanilang ensayo gabi-gabi para lang maipakita ang kanilang stunts na makalaglag puso sa galing.
            Isa pang hindi kaaya-ayang gawain na nakita ko sa IIT ay ang paninigarilyo ng ilan sa loob ng campus. Hindi ba’t ang twin court ay lugar kung saan naglalaro ng basketbol at hindi lugar upang paglaruan ng braha. Hindi lang iyon, may ilan pang estudyante na naninigarilyo habang pahiga-higa sa ilalim ng puno ng talisay. Ngayon lang ako nakakita ng grupo ng mga mag-aaral na ginawang last subject ang twin court para manigarilyo. Hindi pa sila nakontento at ginawa pa itong tambayan kapag nagka-cutting class. Alam ba ito ng ating faculty o nagbubulagbulagan lang sila? Nang minsan nga habang bumibili ako ng pagkain sa CBAA canteen ay may nakita akong instructor na naninigrilyo habang dumadaan. Para bang wala siyang pakialam kung makakalanghap man ng usok ang mga estudyante sa CBAA canteen ng mga sandaling iyon. Hindi lang iyon, mayroon pang instructor na naninigarilyo sa loob ng gym. Di ba dapat ay physical education ang tinuturo doon at hindi upang abusuhin ang katawan?
            Kung mapapansin natin halos magkadikit-dikit ang mga internet cafe sa labas ng ating paaralan. Makikita nating pawang mga estudyante ang naglalaro kahit sa oras pa ng klase. Todo tutok sa monitor, maipanalo lang ang larong Dota at halos sumabay na ang katawan mailagan lang ng character ang mga bala sa larong K.O.S. Nang minsan naitanong ko sa aking sarili kung alam ba ito ng mga nakatataas sa IIT o nagbibingi-bingihan lang sila sa mga pangyayaring ito.
            Siguro mas magandang pagmasdan kung magsusuot ng uniporme ang lahat ng estudyante sa IIT. Bukod sa malinis ay mas kaaya-aya pa itong tingnan. Mas madali nating malalaman kung ang isang estudyante ay taga-IIT o hindi. Sana’y pakinggan ito ng nakatataas sa IIT at ipapatupad ang standard uniform sa mga mag-aaral nito. Ipagmalaki nating tayo ay IITians, taas noo kahit kanino. Huwag lang nating dalhin ang ating pagka-IITians sa Studio 46, Petron, Caltex, at ilan pang mga inuman sa lungsod ng Iligan. Hindi ba’t nakakahiyang isipan na kahit itago pa natin ang ating mga I.D sa bulsa kapag naglalakwatsa ay daladala pa rin natin ang dignidad ng ating paaralan. Kaya sana naman ay huwag natin itong dungisan. Ika nga “Batu bato sa langit ang tamaan huwag magalit”.
            Lahat tayo ay may kakayahang paunlarin ang MSU-IIT kung gugustuhin lang natin. Isipin nating hindi natin maaabot ang tuktok ng kaunlaran kung walang hakbang na gagawin. Bakit hindi natin hikayatin ang mga may mas kapangyarihan sa paaralan na pakinggan ang hibik nating mga mag-aaral para sa mas ikauunlad pa ng MSU-IIT. Isipin nating ang lahat ay napagtatagumpayan lalo pa’t nagkakaisa at nagsisikap. Sugod lang ng sugod, laban kung laban. MSU-IIT, patuloy sa pag-unlad hanggang ang lahat ng ating pagsisikap ay masuklian ng minimithing tagumpay.

"Pag-aaral ay sa Kinabukasan" ni Hubert Henry G. Cabanilla

"Pag-aaral ay sa Kinabukasan"

Sa aking karanasan, nuong ako ay nasa ika-apat na baitang sa sekondarya tila ba malaking misteryo ang kolehiyo.  Ang pagtatapos ko nuong Marso 2011 ay masaya; ako’y nagbunyi ng lubos at ang buhay ko’y puno ng ligaya. Mahigit isang buwan na ngunit ako’y nagtatanong pa rin ano kaya ang kurso ko. Buti nga at anjan parati ang pamilya kong tumotulong sakin sa pagpapasya ng kurso ko. Ang likas na kagalingan, lakas at pati kahinaan ay inisip ko ng lubusan at nagpasya ng kurso ko. Hindi ko naisip ang likas kong kagustohan sa buhay. Ang Inay ko’y experto at mahusay sa buhay, tanong ng Inay ko ano raw ang gustohin kong maging sa buhay. Hindi ako nakasagot ng diretso sa katanungan. Ang bata kong kaisipan ay nag-aalinlangan, takot kasi akong magkamali ng desisyon. Alam ko dama mo rin ang takot ko nuon sa pagtapos mo sa secondarya. Naghanap ako ng eskwelahan na maganda at dekalidad, alam ko madali lang maghanap ng kurso. Sa Iligan City ang MSU-IIT pala ang masasabi kong pangarap ng karamihan. Nagtaka ako ba’t gusto ng kabataan ang MSU-IIT, ako’y napilitan na mag-aral ng MSU-IIT kasi malapit lang sa pamilya, at ang inay at itay ko matanda na para mag-alala sakin kung sa malayo ako mag-aral.  Sa unang araw ko, ako’y  nagmasid at nanibago sa paaralan. Malaki ito, nagtataasang mga gusali, at libo-libong estudyante. Nagustohan ko na ang mukha ng eskwelahan, sa pag-aaral ko sa MSU-IIT, unang semestre ko pa lamang nadama ko na ang hirap at pag-aalinlangan kong makapasa sa mga asignatura ng unang semestre. Nakakahiya rin mabagsak sa asignatura kasi ang galing-galing ng mga guro ko. Hindi na ako nagtaka ba’t marami ang bumabagsak dito, dapat kasi ang kagalingan ng eskwelahan at ang kapasidad ng estudyante magtulungan. Kung palarin man akong makapasa sa lahat ng asignatura gugustohin ko pa rin mag-aral sa MSU-IIT. Kung bumagsak man ako, mag-aaral pa rin ako sa MSU-IIT at iiwasan ng bumagsak. Kasi raw pag “IITIAN” di ka man mapagmataas ngunit mataas ang tingin sayo. Sa aking karanasan sa kolehiyo kung palarin man magtapos sa IIT, ay ipagmamalaki ko to ng lubos, tripli pa ang pagbubunyi ko. Alam ko na hindi lahat ng freshman sa ngayon ay magpapatuloy at magtatapos sa IIT. Sa pang kalahatan ang kagalingan ng estudyante ay sa bunga ng kagalingan  ng guro ito ay ang imahe ng eskwelahan kaya naman ang ganda-ganda ng imahe ng IIT dahil sa mga estudyante na produkto ng mga guro.

Ngunit naiintindihan ko kayo na ang kabataan gusto rin ng pahinga sa pag-aaral paminsan-minsan, ako man gustong-gusto ko ng lumiban ng klase nuong nasa sekondarya pa ako ngayon sa kolehiyo paminsan-minsan namimis ko ang mga kaklase ko. Ang klase ko sa buong linggo, apat na araw lamang at sa buong araw minsan tatlo minsan apat lamang. Ang walang klase ko naman isang oras o apat na oras paminsan-minsan kaya naman masasabi kong hindi nga talaga nakakabagot mag-aral. Ang palakasan naman sa eskwelahan ay masaya, masaya kasi ang raming programa at ibang ibang laro. Humahanga lang rin ako sa eskwelahan kasi ang kulturang Filipino na pinangangalagaan ng eskwelahan, naranasan ko nga maglaro ng larong pinoy na kilala sa kadang kadang. Nagdadala rin ng aliw ang kagalingan ng mga estudyante kasi sa laro ng palakasan hinding hindi nagpapatalo ng basta basta ang IITIAN kaya nakakaaliw panoorin ang mga magagandang laro sa palakasan. Ang kagandahan rin ng mga dalagang estudyante na nagmula sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas makikita mo sa eskwelahang ito. Di ko man lubos akalain meron din mga nagmula sa Luzon na nag-aaral sa IIT. Sigurado akong sa Manila naglipana ang magagandang at dekalibring eskwelahan. Ang MSU-IIT nga’y nakarating na sa Luzon at sa ibang bansa kilala na rin ito kasi nga ang produktibo at magagaling na nagtapos sa IIT ay nagtrabaho na. Kaya sa kagalingan nila ang pangalan ng eskwelahan ay hinuhubog ng positibong pananaw. Sa pananaw ko, ang angking katalinuhan ng estudyante’y hindi lahat orihinal na sa kanya, ang ibang katalinuhan ng estudyante’y nagmula sa kapaligiran niya. Gusto kong mag-anyaya ng experto na magkandak ng pag-aaral sa mga estudyante na nag-aaral sa IIT at matapos mag-aral ng kahit isang taon kung ang IQ ba ng estudyante’y tumaas. Di naman sa pagmamayabang ang guro ko lamang ang nakapaghikayat sakin na magsulat ng pagkahaba habang sulatin at pumapasok sa eskwela kahit bumabagyo; ang guro kong produkto ng IIT. Itong pagbabago ko’y hindi lahat dahil sa IIT ngunit malaking tulong ang mabait at maintindihing guro ko na produkto ng eskwelahang pagkaganganda. Ang panghuli ay ang pagiging aktibo ko sa simbahan, may maraming estudyante na aktibo sa simbahan dahil ang eskwelahan ay aktibo din. Tuwing meyrkules ng alas dose ng tanghali may misa sa gym at ito ay nakikitaan ko ng magandang epekto sa akin. Ano pa nga ang hinahanap sa isang matalino, mahusay, at nagtapos sa IIT?  Kundi ang kabaitan at kadalisayan ng loob. Matapos ang kong makita itong lahat sa isang produkto ng IIT gusto ko rin maging isa sa kanila. Sa unang semestre ko sa kolehiyo ay masasabi kong naging interesado akong mag-aral dahil sa positibong isip dulat ng positibong kapaligiran nanggaling sa napakahusay na eskwelahan ng Mindanao.
Nasabi ko nga ang eskwelahan ay nasa Mindanao, nakakatakot  ang naiisip mo agad sa Mindanao State University. Ang MSU-IIT ay may napaka raming bantay, at no ID no Entry ang ipinapatupad na batas. Kaya masasabi kong ligtas dito kahit pa anak ng pangulo ang mag-aral dito. Kinabukasan ko ba'y may kasiguradohan?



Hubert Henry G. Cabanilla Filipino I  B8-4

Lunes, Oktubre 10, 2011

“Mga de-kalibreng Magtuturo sa dekalidad na Paaralan”



            Mahirap pasukin. Maraming kailangang gawin. Maraming kailangang isakripisyo. Pero sa kabila nito, marami pa ring naeengganyo. Sulit ang lahat ng hirap na pingdaanan. Kapalit dito ang maraming mong matutunan. Dekalidad magturo at mga magtuturo. Samahan pa nang makabagong teknolohiya na mga fasilidad. Ito ang Mindanao State University – Iligan Institute of Technology o mas kilala sa tawag na MSU – IIT. Nasa hilagang bahagi ng Mindanao. Ito ay matatagpuan sa Andres Bonifacio Avenue, Tibanga, Iligan City. Simulang buksan noong ika-12 ng Hulyo 1968. Isang dekalidad na paaralan na may mga de-kalibreng mga magtuturo.
            Noong naghahanap pa ako ng paaralan kung saan ako magkokolehiyo ay hindi kabilang ang MSU-IIT sa aking mga pinagpipilian. Wala akong ibang alam tungkol sa paaralang ito maliban nalang na matatagpuan ito sa syudad ng Iligan.  Hindi kabilang ang MSU – IIT dahil akala ko noon na wala ng mas hihigit pa sa mga naglalakihang mga unibersidad sa Luzon. Noon ‘yon. Ngayon alam na alam ko na kung anong mayroon ang MSU – IIT na wala ang iba pang sikat na mga paaralan. At ito ang mga rason kung bakit nandito rin ako nag-aaral.
            Ito lang ang nag-iisang paaralan sa buong Mindanao na umoofer ng mababang tuition fee kapalit ng ‘di matatawarang pagtuturo at pagbabahagi ng mga impormasyon sa mga mag-aaral. At hindi lang ‘yan. Marami na ring gantimpala at iba’t ibang mga parangal, mapaloob man ng bansa o labas, ang natanggap ng MSU – IIT. Hindi makakamit ang lahat ng ito kung ang faculty, staff at kabilang na ang mga estudyante ay hindi nagtutulungan. Bumilib ako sa “commitment to academic excellence” ng institusyon. Hangang-hanga ako sa dedikasyon ng institusyon na makamit ang layuning ito. At hindi nga sila nabigo. Ang institusyon ay kinikilang ng Commission on Higher Education (CHED) bilang Center of Excellence in Mathematics and Chemistry, Center of Development in Physics and Biology, Center of Development for Excellence in Information and Communication Technology, Center of Development in Ceramics Engineering, Civil Engineering, Electrical Engineering, Electronics and Communications Engineering, Mechanical Engineering, and Material Science Engineering. At ito rin ang Zonal Research Center para sa mga rehiyon ng XII, IX at ARMM. Kilala rin bilang Information and Communication Technology Learning Hub sa Hilagang Mindanao at Virtual Center for Technology Innovation - Microelectronics base sa standard ng Department of Science and Technology (DOST).
            At hindi rin sa pagmamayabang, kadalasan sa guro at mga propesor dito ay galing sa mga kilala at bantog na mga unibersidad, sa loob at labas man ng bansa. Halimbawa rito ay ang ating maipagmamalaking Unibersidad ng Pilipinas at ang iba sa institusyong ito pa grumadweyt.
            Marami ang naniniwala na nakamit ang lahat ng ito dahil sa mga pinagsamang malalaking oportunidad na binibigay ng institusyon at ang maliit datapwa’t maayos at napakaaliwalas na campus. Isa rin itong pampublikong unibersidad na naglalayong mapaunlad ang henerasyon ngayon at sa mga darating pa at nagbibigay-diin sa syensya at teknolohiya. Ang mga mag-aaral ay hindi lang pang-akademiko. Maraming organisasyong pwedeng salihan at mga ekstra-kurikular na mga Gawain na naglalayong mapaunlad at mahasa ang buong pagkatao ng isang estudyante. Halos mga estudyante na ditto nagsisipagtapos ay pawang mga kilalang mahuhusay at bihasa na sa kani-kanilang mga napiling kurso.
            Ang mga estudyante ng MSU-IIT ay nangangarap at binibigay lahat ng makakaya para matupad at makamtan ang kanya-kanyang minimithi. Pinili nila na pumasok sa MSU-IIT dahil alam nila na ang daan sa kanilang tagumpay ay matatagpuan sa institusyong ito. Kahit alam nilang malayo sila sa kani-kanilang mga mahal sa buhay ay hindi sila pinanghihinaan ng loob. Ginawa nila ito mga inspirasyon. At sa tulong din ng kanilang mga propesor ay hindi imposibleng makuha at maabot ang kanilang mga pangarap.
            Kung ikaw ay naghahanap ng paaralan sa darating na pasukan ay wag kalimutang isaalang-alang ang pangalang MSU-IIT. Kasama at kasangga sa hirap para mabot ang iyong pangarap. Ika nga, isang “WORLD-CLASS INSTITUTION”.



ipinasa ni:
diane rodriguez :D

" FIT na maging TARGET"



FIT na maging TARGET

                        “Survival of the fittest; diminishing the unfit…”
                        Talagang sindak ang lahat ng makakarinig sa linyang ito na isa rin sa mga motto ng Mindanao State University-Institute of Technology, ayon sa isang propesor ng aking kaibigan sa CASS. Para lamang teyorya ng ebolusyon ni Charles Darwin ‘di ba? Ngunit biglang nagdayvert ang lahat ng hesitasyon ukol ditto sa pambatong linya ng MSU-IIT; :Quality Education at Low Cost.” Sino ba naman ang hindi?
                        Hindi sa pagmamayabang pero kahanay ng institusyon ang mga bigating paaralan. olehiyo at unibersidad sa buong kapuluan gaya ng University of the Philippines, Ateneo de Manila University. De La Salle University, Sto. Tomas University, Siliman University, Far Eastern University, at marami pang iba na kilala at tinitingala sa paghahasa ng mga kabataan. Ang IIT lang naman ay minsan naging “pangalawa”, take note:PANGALAWA sa may pinakamataas na kalidad ng edukayon sa Pilipinas kasunod ng nabanggit sa itaas, siyempre ang UP na sister-school din mismo ng pamantasan. Oh see, umaarangkada. Malayo man ito sa kapitolyo ng bansa at mas liberal na kapaligiran, ‘di pa rin pahuhuli ang IIT. At hanggang ngayon, sumasabay pa rin ang pamantasan, at taun-taon pa ring napabilang sa top5.
                        Pero take note mga kaibigan, LOW COST, kaya tuition nito para sa isang semester ay mistulang “baon” lamang ng mga estudyante sa mga exclusive and international schools. Gusto niyo ng “proof” ( nasa math 17 yan! fave ko.) ? Eto, basahin at pagtantsa-tantsahin:
Engineering, Arts and Social Sciences, Science and Math, Business and Accountancy, Education, Computer Studies

P 3,500.00
Engineering Technology, General Education
P 4,800.00
BS Courses in Engineering Technology
P 6,500.00
2-yr. ladderized programs in Engineeering Technology
P 7,500.00
Nursing
P 8,500.00
Hotel and Restaurant Management
P 9,500.00
Foreign Students:
      Resident
       Non-resident

$250.00+tuition & ibang bayarin
$500.00+tuition & ibang bayarin

Oh see, ‘san ka pa?! Mura na, MAS tatalino ka pa!
                        Hmmm?...  Ngayon naman, iniisip mo na baka “nerd” ang mga IItians at puro pag-aaral lamang ang inaatupag. Siyempre, ‘yan naman talaga ang pina-prioritize ng mga mag-aaral dito ngunit, pinapahalgahan rin ng pamantasan ang “multiple intelligences” ‘di lamang sa akademiks, pero gayon din sa musika, sining, at pampalaksan. Kaya naman ang IIT ay may mahigit kumulang  60 organisasyon na nagpapakita din sa “the other sides of IITians”. Pinakakilaa sa mga ito ang IPAG o Integrated Performing Arts Guild, isang pang-teatrong produksyon na dine-derek ng batikang propesor na si Propesor Steven Patrick C. Fernandez. ‘Di ito basta-basta pagka’t nakapagtanghal na ito sa iba’t ibang panig ng mundo gaya ng sa ilang bansa sa Europa, Amerika at siyempre, sa Asya. ‘Di rin pahuhuli ang ibang samahan gaya ng sa Kalimulan na pang-etniko din ang tema, Lions para sa cheerdance competition, OCTAVA para sa choir, Mindanao Creative Writers sa bihasa magsulat na, Debate Team sa matatalas dila ngunit may “point” kung humirit na, Sports Varsity sa mga “aces” ng pampalaksan, at marami pang iba! Abutin tayo ng siyam-siyam  ‘pagkat rekord pa lang nila, ay naku!, malulula ka sa kamanghaan.
                        Malawak din ang campus ng pamantasan. Malawak na malawak. Sobrang malawak! Kaw ba naman my sariling parking area mga sasakyan sa bawat walong kolehiyo nito : College of Education (CED), College of Engineering (COE), College of  Science and Mathematics (CSM), College of Nursing (CON), College of Arts and Social Sciences (CASS), College of Business Administration and Accountancy (CBAA), School of Engineering Technology (SET) at School of Computer Studies (SCS). At “take note again”, hindi lang kay ma’am at sir ang mga four wheeled na ‘yan, andiyan din kay mister and miss sossy. Oh diba? Kumpleto rekados na! May nerd, talented and sossy class ( ewan san ako diyan) !
                        Heto pa, akala niyo ‘yon na ikinalawak ng IIT? Aba, para tayong pulos kalsada at with traffic lights pa! Pero speaking of traffic lights, walang ganun dito, ngunit parang nagkaganun na rin. Nalito kayo? Eh kasi, kaw ba naman agad sasalubungin ng mga pedestrian lines na may sekyu bawat isa na nkabantay sa mga pasaway namagdye-jay walking, dagdagan pa ng mga bagong istayl at kulay ng P.E. uniform, talagang magmimistulang kalsada sa labas. Bagaman, alam mo ba kinalabasan non? Aba maganda! Unti-unting nade-disiplina ang bawat isa. Holistic eh, ika nga. Mayroon din tayong sariling gymnasium na kayang mag-okupya ng higit isang libong katao at kung saan dinadaraosan rin ng mga aktibidad na labas na ang institusyon. Kamakailan nga lang, andiyan ang mga Kapuso stars at siya ring pinagdausan sa taonang “Search for Ms. Iligan” noong nagdaraang kapistahan ng siyudad. ‘Di tayo pahuhuli sa isports. Nariyan ang softball and baseball triangle/diamond, volleyball courts, tennis and basketball courts, takraw court, atbp. Siyempre, makakalimutan ban g pinoy kumain? Aba hindi!! Kaya sagot diyan CBAA canteen! Nasa tabi lang kasi siya ng CBAA kaya yan ang tawag. ‘Di rin pahuhuli ang CED na meron talagang sariling cafeteria. Saka may mga workshop buildings rin para sa mga hands-on na gawain at hanggang ngayon, patuloy pa rin ang MSU-IIT sa pagdagdag ng mga buildings upang mas matustusan pa lalo ang edukasyon ng mga estudyante.

                        Pasensya na pero di pa talaga ako tapos. Dahil sa mga factors na iyan, “world class” ang IIT! Ika nga sa vision nito; “A world class institution renowned for its excellence…”. Kaya naman, mga lessons dito, world class din! Examples pa lang, mapapa- whew k talaga! Pagkat ang IIT, di lang pang nationwide, international na rin! Nasa Guinesse Book of World Record pa nga ( hala basahin mo tarpaulin don sa may TV) . May mga koneksyon na rin ito sa mga iba’t ibang kompanya sa loob at labas man ng bansa na maaari ring siyang tutulong sa’yo magktrabaho pagkatpos grumadweyt. Lalo na’t maganda grado mo?  Naku! Ang swerte mo!
                        Ngayon, kung sa tingin mo ‘harsh’ ang IIT at ‘di madaling makapasok, nagkakamali ka. Hindi ka man makapasa sa SASE, may mga preparatory program/s na sasalo sa’yo kagaya na laman ng Gen. Ed. kung saan layunin nito linawin ang daan na bagay o gusto talagang tahakin ng mag-aaral sa loob ng 2 taon at pagkatapos non, maaari na siyang pumili ng kursong gusto niya, batay na rin sa kanyang performans na sasalo sa’yo.
                        Hindi mahirap pumasok. Dagdagan pa sa katotohanan na mura lang. Ang sa iyo ay kung makakaya mo- “only those who quit are losers”. Pero ‘yan nga mas maganda, mas mahuhubog pagkatao mo. Ika nga nila, “We don’t just accept the BEST and the BRIGHTEST…WE MAKE THEM!” Kung kaya’t sa dami ba naman ng oportunidad at options na ibinigay ng institusyon, tanong ko sa’yo, “Saan don FIT KA?”. Magdesisyon,‘pagkat ‘yon magiging TARGET mo para sa susi ng tagumpay.

P.S.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang http://www.msuiit.edu.ph/ .
Kitakitz!! J #

_ipinasa ni_
            JERELLE VENDER


FIT na maging TARGET
                        “Survival of the fittest; diminishing the unfit…”
                        Talagang sindak ang lahat ng makakarinig sa linyang ito na isa rin sa mga motto ng Mindanao State University-Institute of Technology, ayon sa isang propesor ng aking kaibigan sa CASS. Para lamang teyorya ng ebolusyon ni Charles Darwin ‘di ba? Ngunit biglang nagdayvert ang lahat ng hesitasyon ukol ditto sa pambatong linya ng MSU-IIT; :Quality Education at Low Cost.” Sino ba naman ang hindi?
                        Hindi sa pagmamayabang pero kahanay ng institusyon ang mga bigating paaralan. olehiyo at unibersidad sa buong kapuluan gaya ng University of the Philippines, Ateneo de Manila University. De La Salle University, Sto. Tomas University, Siliman University, Far Eastern University, at marami pang iba na kilala at tinitingala sa paghahasa ng mga kabataan. Ang IIT lang naman ay minsan naging “pangalawa”, take note:PANGALAWA sa may pinakamataas na kalidad ng edukayon sa Pilipinas kasunod ng nabanggit sa itaas, siyempre ang UP na sister-school din mismo ng pamantasan. Oh see, umaarangkada. Malayo man ito sa kapitolyo ng bansa at mas liberal na kapaligiran, ‘di pa rin pahuhuli ang IIT. At hanggang ngayon, sumasabay pa rin ang pamantasan, at taun-taon pa ring napabilang sa top5.
                        Pero take note mga kaibigan, LOW COST, kaya tuition nito para sa isang semester ay mistulang “baon” lamang ng mga estudyante sa mga exclusive and international schools. Gusto niyo ng “proof” ( nasa math 17 yan! fave ko.) ? Eto, basahin at pagtantsa-tantsahin:
Engineering, Arts and Social Sciences, Science and Math, Business and Accountancy, Education, Computer Studies

P 3,500.00
Engineering Technology, General Education
P 4,800.00
BS Courses in Engineering Technology
P 6,500.00
2-yr. ladderized programs in Engineeering Technology
P 7,500.00
Nursing
P 8,500.00
Hotel and Restaurant Management
P 9,500.00
Foreign Students:
      Resident
       Non-resident

$250.00+tuition & ibang bayarin
$500.00+tuition & ibang bayarin

Oh see, ‘san ka pa?! Mura na, MAS tatalino ka pa!
                        Hmmm?...  Ngayon naman, iniisip mo na baka “nerd” ang mga IItians at puro pag-aaral lamang ang inaatupag. Siyempre, ‘yan naman talaga ang pina-prioritize ng mga mag-aaral dito ngunit, pinapahalgahan rin ng pamantasan ang “multiple intelligences” ‘di lamang sa akademiks, pero gayon din sa musika, sining, at pampalaksan. Kaya naman ang IIT ay may mahigit kumulang  60 organisasyon na nagpapakita din sa “the other sides of IITians”. Pinakakilaa sa mga ito ang IPAG o Integrated Performing Arts Guild, isang pang-teatrong produksyon na dine-derek ng batikang propesor na si Propesor Steven Patrick C. Fernandez. ‘Di ito basta-basta pagka’t nakapagtanghal na ito sa iba’t ibang panig ng mundo gaya ng sa ilang bansa sa Europa, Amerika at siyempre, sa Asya. ‘Di rin pahuhuli ang ibang samahan gaya ng sa Kalimulan na pang-etniko din ang tema, Lions para sa cheerdance competition, OCTAVA para sa choir, Mindanao Creative Writers sa bihasa magsulat na, Debate Team sa matatalas dila ngunit may “point” kung humirit na, Sports Varsity sa mga “aces” ng pampalaksan, at marami pang iba! Abutin tayo ng siyam-siyam  ‘pagkat rekord pa lang nila, ay naku!, malulula ka sa kamanghaan.
                        Malawak din ang campus ng pamantasan. Malawak na malawak. Sobrang malawak! Kaw ba naman my sariling parking area mga sasakyan sa bawat walong kolehiyo nito : College of Education (CED), College of Engineering (COE), College of  Science and Mathematics (CSM), College of Nursing (CON), College of Arts and Social Sciences (CASS), College of Business Administration and Accountancy (CBAA), School of Engineering Technology (SET) at School of Computer Studies (SCS). At “take note again”, hindi lang kay ma’am at sir ang mga four wheeled na ‘yan, andiyan din kay mister and miss sossy. Oh diba? Kumpleto rekados na! May nerd, talented and sossy class ( ewan san ako diyan) !
                        Heto pa, akala niyo ‘yon na ikinalawak ng IIT? Aba, para tayong pulos kalsada at with traffic lights pa! Pero speaking of traffic lights, walang ganun dito, ngunit parang nagkaganun na rin. Nalito kayo? Eh kasi, kaw ba naman agad sasalubungin ng mga pedestrian lines na may sekyu bawat isa na nkabantay sa mga pasaway namagdye-jay walking, dagdagan pa ng mga bagong istayl at kulay ng P.E. uniform, talagang magmimistulang kalsada sa labas. Bagaman, alam mo ba kinalabasan non? Aba maganda! Unti-unting nade-disiplina ang bawat isa. Holistic eh, ika nga. Mayroon din tayong sariling gymnasium na kayang mag-okupya ng higit isang libong katao at kung saan dinadaraosan rin ng mga aktibidad na labas na ang institusyon. Kamakailan nga lang, andiyan ang mga Kapuso stars at siya ring pinagdausan sa taonang “Search for Ms. Iligan” noong nagdaraang kapistahan ng siyudad. ‘Di tayo pahuhuli sa isports. Nariyan ang softball and baseball triangle/diamond, volleyball courts, tennis and basketball courts, takraw court, atbp. Siyempre, makakalimutan ban g pinoy kumain? Aba hindi!! Kaya sagot diyan CBAA canteen! Nasa tabi lang kasi siya ng CBAA kaya yan ang tawag. ‘Di rin pahuhuli ang CED na meron talagang sariling cafeteria. Saka may mga workshop buildings rin para sa mga hands-on na gawain at hanggang ngayon, patuloy pa rin ang MSU-IIT sa pagdagdag ng mga buildings upang mas matustusan pa lalo ang edukasyon ng mga estudyante.

                        Pasensya na pero di pa talaga ako tapos. Dahil sa mga factors na iyan, “world class” ang IIT! Ika nga sa vision nito; “A world class institution renowned for its excellence…”. Kaya naman, mga lessons dito, world class din! Examples pa lang, mapapa- whew k talaga! Pagkat ang IIT, di lang pang nationwide, international na rin! Nasa Guinesse Book of World Record pa nga ( hala basahin mo tarpaulin don sa may TV) . May mga koneksyon na rin ito sa mga iba’t ibang kompanya sa loob at labas man ng bansa na maaari ring siyang tutulong sa’yo magktrabaho pagkatpos grumadweyt. Lalo na’t maganda grado mo?  Naku! Ang swerte mo!
                        Ngayon, kung sa tingin mo ‘harsh’ ang IIT at ‘di madaling makapasok, nagkakamali ka. Hindi ka man makapasa sa SASE, may mga preparatory program/s na sasalo sa’yo kagaya na laman ng Gen. Ed. kung saan layunin nito linawin ang daan na bagay o gusto talagang tahakin ng mag-aaral sa loob ng 2 taon at pagkatapos non, maaari na siyang pumili ng kursong gusto niya, batay na rin sa kanyang performans na sasalo sa’yo.
                        Hindi mahirap pumasok. Dagdagan pa sa katotohanan na mura lang. Ang sa iyo ay kung makakaya mo- “only those who quit are losers”. Pero ‘yan nga mas maganda, mas mahuhubog pagkatao mo. Ika nga nila, “We don’t just accept the BEST and the BRIGHTEST…WE MAKE THEM!” Kung kaya’t sa dami ba naman ng oportunidad at options na ibinigay ng institusyon, tanong ko sa’yo, “Saan don FIT KA?”. Magdesisyon,‘pagkat ‘yon magiging TARGET mo para sa susi ng tagumpay.

P.S.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang http://www.msuiit.edu.ph/ .
Kitakitz!! J #

_ipinasa ni_
            JERELLE VENDER
            BSE-Physics





Mindanao State University-Iligan Institute of Technology: Larawan Ng Pangarap At Pag-asa.-janine ann pangandian



Mindanao State University-Iligan Institute of Technology:
Larawan Ng Pangarap At Pag-asa.

Dugo, pawis, luha, tiyaga at halos lahat ng uri ng pagbabanat ng buto ay ilan lamang sa mga bagay-bagay na inaalay ng mga magulang para mapag-aral lamang ang kanilang mga anak. Kahit pangungutang at pagsasangla ng mga gamit ay gagawin makabayad lamang sa tuition, ganyan kalaki ang kanyang isakripisyo ng mga ina at ama maisakatuparan lamang ang kanilang pangarap na makatapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak kahit gaano kahirap. Ang pag-aaral ay talagang magastos, pero paano kung hindi kayang tuspusan ng mga magulang ang inyong pag-aaral? May kasabihan pa nga na,” Edukasyon ang sagot sa kahirapan”. Pero paano kung hindi ka nakapagtapos ng pag-aaral, paano na ang kinabukasan mo?
Sa mga may kaya naman sa buhay, na kahit anong mamahaling paaralan ay kayang pasukan, anong klasing pamantasan ba ang iyong dapat pasukan upang hindi naman masayang ang iyong pera? Hindi naman siguro kailangan pang mag-aral sa mamahalin, malalayo at malalaking unibersidad kung ang hinahanap mo ay ang may kalidad na pagpapasukan.
Ang MSU-ITT ay ang sagot sa pag-aaral ng mahihirap man o mayayaman. Hindi sinusukat ng Universidad na ito ang kung sa anong ng kalatayuan sa buhay meron ang isang studyante. Hindi din pinagtutuunan ng pansin nito sa kung saang probinsya at paaralan kapa nanggaling, tinatanggap ka ng pamantasaang isang basta’t ikaw ay pursigido, may disiplina at higit sa lahat masipag mag-aral. Kaya hindi na kailangan pang pumasok sa mga Universidad na pagkamahalmahal “because this Institute is standard enough for your better study”. Ito ay pampublikong paaralan kaya siguradong pinitingnan talaga ang kalidad ng mga studyante, para naman maihanda sila sa totoong hamon ng studyante. Kung ikukumpara ito sa ibang mamahaling paaralan gaya ng Ateneo University, Santo Tomas University at Siliman University na kilala sa lahat ay hindi rin nagkakalayo. Kahit pa nga ang University of the Philippines na kilala sa lahat ay halos ka level din nito.
Ako ay studyante ngayon ng IIT, first semester ko palang ngayon at naramdaman ko na talaga ang tunay na responsibilidad ng pagiging studyante. Oo nga’t hindi madali pero ganun naman talaga siguro. Naalala ko noong unang araw kong pumasok sa klase, nanginginig  talaga ako sa kaba lalo nong nalaman ko na magna cumlaude pa yong professor namin, nalaman ko din na halos lahat ng “faculty” ay may natapos na mga “degree in masteral and doctoral” at ang iba pa sa kanila ay natapos pa nila sa ibang bansa. kaya talagang namangha ako. Kaya pala hindi na nakapagtataka na hindi basta-basta ang mga-aral dito dahil hindi rin kasi basta-basta ang mga guro. May iba’t-ibang kolehiyo para sa ba’t-ibang uri ng kurso, kaya nakapagsisigurado na mabibigyang pansin talaga ng mga guro ang mga studyante. At maraming scholarship din ang pwede maavail ng mga studyante. Pinag-iigihan ng bawat kolehiyo at departamento na mas mapahusay pa ang pagtuturo. Madalas ding may seminars ang mga faculty para naman laging “updated” sa mga bagong kaalaman ngayon.       
 Ganyan ka standard ang Mindanao State University-Iligan State University sa pagtuturo dahilan upang makamit ng pamansatan ang iba’t-ibang uri ng pagpapakilala sa kahusayan sa iba’t-ibang larangan kabilang na ang pagtuturo, business, sining, siyensya at matematika, nursing, engineering at marami pang iba.
Nakatanggap na din pala ng parangal ang MSU-IIT na galing sa Commission on Higher Education, Department of Science and Technology, Accrediting Agency for Chartered Colleges and Universities of the Philippines at iba pang mga ahensiya. Kahit pa nga mga international awards ay hindi rin pinalagpas ng pamantasan na naglalayon na maging world-class ito. Kaya nga maraming talagang mga estudyante na naging topnotcher sa mga pang-license na mga exams. Basi sa resulta ng LET (License Examinations for Teachers) ay isa sa mga estudyante ng College of Education ay nakakuha sa pang-anim na puwesto. Nag top 9 din ang IIT sa pinakamaraming IELTS passers ngayong taon. May nalaman din ako na may nag top one na pala sa board exam at sa chemical engineering pa, siya ay si. Edmark S. Isalina na ngayon ay nagtuturo sa mga engineering students. Hindi naman siguro ito magagawa nila kung hindi sila binigyan ng magandang edukasyon ng Universidad na ito para makamit nila ang mga parangal na ito.
At hindi nga nakapagtataka na nagawang mag top 6 ng MSU-IIT sa lahat ng mga unibersidad sa Pilipinas at patuloy sa itong rereproduce ng mga matatalinong estudyante.  
Hindi lang academics ang pinagtutuunan ng pansin ng “institute” na ito, pati rin ang paghuhubog sa mga estudyante na kilalanin ang multiculture na meron ng Mindanao. Hinihikayat ng mga guro ang mga estudyante na irespeto at bigyang halaga ang iba’t-ibang kultura dito sa atin.ibinabahagi pa nga sa iba’t-ibang panig ng mundo ang kamalayang sa kultura na itinatanghal pa ng mga cultural group presenters ng IIT tulad ng Octava Chorale Society, Kalimulan Cultural Dance at Integrated Performing Arts Guild. Kailan lang ay nagperform ang IPAG sa gymnasium ng IIT, at nakita ko talaga ang pang-world class na talents ng mga studyante. Nagawa nilang ipagsabay ang academics at paghubog at pagdevelop ng kanilang iba’t-ibang talento.  Kaya naman isang magandang pagkakataon narin na maipakita nila ang kanilang magagandang talent sa amin at may scholarship din na ibinibigay sa kanila.
Sa panahon natin ngayon ay talagang hindi tayo makakasigurado na makakuha kaagad tayo ng trabaho pagkatapos na makagraduate. Maraming nakakapagtapos ng pag-aaral na wala paring trabaho dahil ang ating bansa ngayon ay limitado na sa pagtatangap ng mga impleyado.Kaya naman kung mapapansin niyo ay marami sa mga kababayan nating Pilipino na nangibang bansa para makipagsapalaran , ang iba ay maswerteng nakapagtrabaho doon at nakapagpondo ng pera para sa pamilya ,yun nga lang ang iba  ay hindi pinalad at naabuso sa ibang bansa.
Pero kapag ikaw ay graduate ng pamantasang ito ay siguradong in demand ka sa mga trabaho.Alam kasi ng mga kompanya na ang mga nagtapos sa Institusyong ito ay magagaling at masisipag sa larangan ng trabaho. Masusuklian mo na ang paghihirap na ginawa ng iyong mga magulang. Eka nga, ang trabaho pa ang maghahanap sayo. Sa loob at labas ng ating bansa ay tinatanggap kaagad ang mga alumni sa pinag-aaplayan nilang trabaho. Talagang malaki ang tulong nito.

Kaya naman pangarap ko talagang makapagtapos ng pag-aaral sa Universidad na ito, marami kasing mag-aaral na gustong makapasok dito ay hindi nabigyang pagkakataon.Bilang isang estudyante ng unibersidad na ito gusto ko kayong hikayatin na mag-aral dito. Marami na ang nakipagsapalaran dito at umangat sa buhay, “pagsikap at determinasyon lang ang kailangan” sabi nila. Ang MSU-IIT kasi ay makapagbibigay ng magandang edukasyon para matupad ang ating pangarap at may malinaw at magandang hinaharap.